ibat - ibang sayaw sa ating bayan....


eto naman mga ibat ibang sayaw sa ating bayan
sa sayaw natin naipapakita ang mga kaugalian
kultura ng bawat isa sa kantahan at sayawan
pagkakaiba ay naaninag sa mga kabababayan.
eto'y tawag nila'y tinikling
sayaw sa kawayan kung tawagin
paa ng magpareha ay siyang iipitin
sayaw sa kawayan mga paa'y pipitpitin. (lols

mga nag gagandahang mga dalaga dito
pinapakitang sayaw sa baguio at mga bundok nito
nakapatong mga "banga" sa ulo at tingala mga noo
mukha'y di mawari kung sila'y nakangiti sa iyo.

eto naman ay sayaw ng mga maria clara
may pagkahawig sa mga pananamit sa espanya
dahil ang pilipinas noon ay impluensiya nila
mga sayaw at paguugali nahaluan ng mga kastila.

sa bandang mindanao eto naman ang sayaw nila
kakaibang anyo talaga ang ating makikita
mga sayaw nila'y may kasamang seremonya
naglalantikan mga kamay ng mga binata't dalaga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home