<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....

Monday, October 31, 2005

Samahang Makata, Bagong Bukas na Sitio

Image hosted by Photobucket.com

Samahang Pandaigdigan Ng Mga Pinoy.

http://cuturl.com?easytalkforum

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Larangan ng isang samahan ay nabuksan na
Pwede na ninyong tugunin aming paanyaya
Kung sinong kabayan ang gustong sumali pa
Bukas ang pintuan ng mga samahang-makata.

Sana po kayo ay malibang sa bagong larangan
Mga kasamahan ay kaginsa ginsa ang kagalingan
Kaya inyong antabayanan mga makatang sagutan
Doon ipabatid nila na ang wika'y di nasasapawan.

Tanglaw Ng Ating Wika ang isang bagong sitio
Bayanihan ang adhikain ng larangang nabuksan po
Yan ang isang kultura ng mga katutubong Pilipino
Pagkakaisa at magandang pakikisama ng mga pango (hehehe)
Para ipabatid sa madla na wikang tagalog ay di nabuburo.

Magandang Araw Po Sa Lahat na sumusubaybay ng larangang eto.

Sunday, June 19, 2005

Paanyaya Sa Mga Kababayang Makata

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Mga kababayan na napapasyal dito sa munting barrio
Aking ipapaalam po sa inyo na may bubuksang sitio
Eto'y isang samahan ng mga makatang kababayan po
Na kung saan napadpad na lugar sa sulok ng mundo.

Atin pong bubuksan ang isang bagong larangan
Isang sitio ng samahan ng mga magkakababayan
Isahimpapawid natin mga kaginsa ginsang sagutan
Sa pamamagitan ng pagsulat sa sitiong uumpisahan
Pagsali sa samahan ay huwag na ninyong pagiisipan.

Bawat isa na makikisali po, may hawak na susi ng sitio
Pag gusto niyong pasukan, sumulat, makibasa at makihalubilo
Eto'y paanyaya po sa lahat na makata na gustong makihalo
Magiwan lang kayo ng mensahe sa pisarang huntaan sa may dulo.

Maraming Salamat At Mapayapang Araw sa bawat isa sa inyo.

Tuesday, June 14, 2005

Itaguyod Ang Sariling Atin

Parang kailan lang, bansa ay aking nilisan
Kamakailan lamang yun Inang Bayan ay iniwan
Pero wika'y ni minsan di talaga kinalimutan
Ititanaguyod pa din at hindi tinatalikdan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Malayo man tayo sa kinagisnang bansa
At ating hinarap ang wikang banyaga
Sa puso't damdamin wika'y ating naaalala
Kahit nasa kandungan na ng bansang banyaga.

Mga kababayan kong pilipino na kapwa mga pango
Ating itaguyod ang wika ni Amang Diego at Prokopyo
Wikang binandila ni Balagtas sa ating mga ninuno
Hindi dapat kalimutan kahit sa panahon ni Gloria Arroyo.

Sa pamamagitan ng sitio na eto dito sa munting barrio
Aking iparating na ang wika natin ay itinataguyod ko po
Sa paglikha ng makasaysayang larangan para sa buong mundo
Dito ipaabot ang mensahe sa mga nakakalimot na nasa malayo
Tangkilikin pa din ang nakagisnang wika na itinuro ni lolo.

Wikang Pinoy ay talaga namang napakagandang dinggin
Lalo na sa mga awiting taglay ang lambing ng damdamin
Kaya mga kababayan ang ating wika ay itaguyod pa rin
Sariling atin, sariling wika dapat bigyan lagi ng pansin
Kahit malayo sa inang bayan, atin pa ring mimithiin.

Monday, June 13, 2005

Bulaklak Sa Buwan Ng Marso

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


Ngiti mo sa mukha ay sadyang nakakabighani
Sa lawaran mo'y nakikita ang iyong paguugali
Aking ilathala dito, ika'y isang babaing mayumi
Pero naaninag din sa iyong mukha ang pagdadalamhati.

Nung una kitang makilala sa isang larangan
Wala akong alinlangan na ika'y maging kaibigan
Natanto ko na lamang sa ating araw araw na usapan
Ang kabaitan na di nakikita sa mga iba diyan.

March Flower kung ikaw ay kanilang tawagin
Pangalan ng isang dalagang nagluluningning
Bulaklak sa buwan ng Marso napakagandang dinggin
Lalo pang nabibighani mga kaibigan sa iyong mga awitin.

Salamat sa pagpapaunlak mo dito
Na aking ilagay ang iyong litrato
Dito sa barrio fiesta na aking sitio
Namagitan na pagkakaibigan natin ay totoo.

Sunday, June 12, 2005

Papugay Sa Aking Mga Kapamilya Sa ICMC

Ito'y isang papugay para sa inyo
Aking pagimbita'y pinaunlakan niyo
Sa larangan ng blogging na pinasukan ko
Maraming Salamat sa inyong pagparito.

Maalala pa ba niyo eto mga Kapamilya ko?
PRPC Neighbourhood
Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Ito ngayon ang aking pinag kakaabalahan
Pagka galing sa trabaho dun sa paaralan
Aking inaatupag mga inumpisahang larangan
Para naman maiba ang aking kapiligiran.

Pag harap ng mga estudyante ay sadyang di biro
Andiyan mga araw na sumasakit talaga ating ulo
Kaya ito ang naisip kong maayos na pahingaan po
Mga larangan dito na unti unti ko pong binubuo.

Mapayapang Araw Sa Inyong lahat mga ICMC na Kapamilya ko.

Choi oi, Cam enh(viet)..... Sumh nang loo! Okun Charan.(Khmer)
Shukran, Maasalama (arabic)

Tuesday, June 07, 2005

Panaginip Man Kung Tawagin

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Isang magandang alaala, akin pa ding nagugunita
damdamin na isinatabi na yun ay muling nabuksan pa.
bagyong aking nadaanan nagbigay ng isang daan
na muli kong balikan ang isang alaala sa nakaraan.

bakit nga ba ganito, kahit saang dulo ng isipan ko
nangingibabaw ang karansan ng isang nakaraang yugto
sa hindi pagaakala muling lalakbayin ang yugtong eto
sadya ba talaga para harapin ang buhay na totoo?

Monday, June 06, 2005

Ating Balikan Ang Nakaraan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Taon , buwan at mga araw ang nakaraan
Isinitabi isang samahan na makasaysayan
Ating kinaligtaan ang magandang naumpisahan
Basta na lang naglaho na di natin nalalaman.

Ating nilisan lugar na kung saan sinimulan
Naglakbay kung saan saan, maraming nadaanan
Minsan inisip kong balikan yung pinanggalingan
Naaninag ang isang anyo ng tunay na pagkakaibigan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sadya yatang dapat na muling ayusin ang iniwan
Ng di na muli sanang babagabag pa sa ating isipan
Nung una'y nanatili pa din ang tunay na katahimikan
Pero umapaw ang damdaming di inaasahan at maintindihan.

Ang nakaraan ay muli pa kaya nating balikan
O kaya nararapat ng iwasan at tuluyang tatalikdan?

Thursday, June 02, 2005

Piging Sa May Palaisdaan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Para sa inyo, Bert, Rets, Kuya Peds, Ate Mercy at sa LAHAT na kamaganak na sumusubaybay dito sa Barrio Fiesta.

Mabuti naman at kayo'y nagsasalo muli diyan
Nakikinita ko ang anyo ng inyong magandang samahan
Sayang wala kami sa ginawang piging sa palaisdaan
Sana'y amin ding maranasan ang tunay na kasiyahan.

Mukhang ang handaan ay punong puno ng katuwaan
Marami palang nagdatingan na mga kamag anakan
Mabuti at salo salo kayo ulit sa isang binyagan
Siguradong meron na namang naglasingan diyan
Whiskey, bilog, lambanog, basi, hindi mawawala yan
Saka kainan sa may pampang ay sadyang di mapapantayan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sa mga kwento niyo kami na'y nasisiyahan
Kahit wala kami diyan amin ding nararamdaman
Ang magandang samahan nating magpipinsan
Di bale sa susunod kami naman ay andiyan
Kasali na din sa piging diyan sa palaisdaan.

Sana inyo naman kaming padalhan dito sa malayo
Dinaing na bangus inaasam asam na matikman po
Nagtitiis sa "frozen" na benta sa tindahang pilipino
Sa sobrang katigasan pwedeng pang pamukpok sa ulo.

Kumusta na kayong lahat na walang hanggan!
Ellezer, Cors at Princess Josie, walang inggitan
Sa larawan na lang ng bangus kayo magtinginan
Hanggang ganyan na lang ang ating matitikman.
(he he he he)

Angie

Pagbati Sa Iyo Diyan, Pamangkin

Leo, eto na ang iyong inaasam-asam at inaabangan
Baka sabihin mo aking nakaligtaan at nakalimutan
Ang paglagay ng iyong nakakasindak na larawan (hehehe)
Eto nilagay ko na sa Barrio Fiesta na aking larangan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Naku, siguradong ikaw na ay talagang masisiyahan
Abot sa tainga ngiti mo pag eto'y iyo ng mabuksan
Kumurap ka naman baka bigla kang mapuwing diyan
Larawan mo na ay nasa unahan at hindi sa hulian
Pag nakita mo eto, pagkain iyo ng makakalimutan.

Etong si Leo,kinakatakutan yan sa bayan
Boksingiro etong tunay kung walang kalaban
Kaya ang mga tao sa bayan nagiingat diyan
Walang patawad eto kung sa mga naglalasingan
Pag siya'y umasta, ang lahat ay nagtatakbuhan.
( ha ha ha ha )

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Monday, May 30, 2005

muling buhayin ang nakaraan, makatang lonegun

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Makatang Lonegun, medyo natagalan ang iyong paglisan
Halina, halina, muli nating tutunghayan at bubuksan
Pagiging makata mong tunay di yan dapat pinapabayaan
Pasukan mo na muli ang pagsulat ng tunay na balagtasan
Ating isagawa ang susunod na kabanata ng librong naumpisahan.

Sa aking pagiisa, binuksan ko ang pribadong larangan
At ipinapagpatuloy ang pagsusulat ng pangmakata lamang
Gusto ko man na yun ay hintuan, nanaig sa aking isipan
Na dapat ituloy ang pagsusulat ng mga tulang makasaysayan.

Muli kong binalikan ang pagsulat sa wikang nakagisnan
Hindi basta yun sinasatabi lang dahil sa kanilang kalokohan
Pinagpatuloy ang "Ating Balikan" sana'y iyo ding "Tanghalan"
Para manaig pa din ang wika ng ating inang bayan na iniwanan.

Kaibigan Lone, eto'y papugay ko sa iyo sa iyong pagparito
Pag nagka-oras ka, iyo ng umpisahan ang sarili mong sitio
Sa dami mong kaalaman sa pagsulat, balagtasang tunay at totoo
Iyong ipagpatuloy, harinawa tayo'y makabuo muli ng ilang libro.

Sa pamagat ng aking sitio siguro naman iyo ng nakita
Na eto'y "karugtong ng kahapon" na una nating isinagawa
Muli tayong bubuo ng kadagdagang libro na pang makata
Para sa ating pagtanda, mga kabataa'y meron silang mababasa.

Halina, halina kaibigang Makata, atin muling isagawa
Pangatlo, pang apat o kaya panglimang libro pa kaya
Huwag mag atubili, pag nagka oras ka na muli makata
Gawing libangan para ipamulat sa iba ang wikang pambansa.

Ang Tunay Na Nteng, The Dragon

Sa pangalan lang, ika'y talagang kinakatakutan
Dragon na pangalan, pag bugso ng hininga diyan
Katakot takot na apoy ang naglalabasan
Pero pag malaman nila ang katotohanan
Pagsinag sa anyo ng nakabandilang larawan
Na-aaninag sa mukha mo ang tunay na kabaitan.
(lolzz, pamasko ko diyan ninong, mano po...)

Kinagagalak ko ang iyong pagpasok dito
Munting larangan na tinaguriang barrio
Aking pinapaabot at pasasalamat sa iyo
Iniwan mong mensahe dito kamakailan po
"Tanging Ikaw" na tula sa may komentaryo
Isa ka palang makata yan ay aking natanto.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sa ating pagkakakilala sa isang larangan
Paltalk kung tawagin dun nabuo ang samahan
Ng mga kapwa nating pango na mga kababayan
Nagsimula doon ang magandang pakikipanayam
Pakikisama ng bawat isa ay tunay sa magkakaibigan
Hanggang ngayon ay atin pa ring tinutunghayan.

Kabaitan at kasiyahan sa mukha, sa iyo aking nakita
Sa pagimbita na magkita-kita ang ating mga pamilya
Nung kami'y nasa biyahe at napadaan diyan sa Amerika
Nasilayan ang tunay na pagkatao mo sa iyong ipinakita
Pero kinapos kami ng oras,di nakarating sa iyong pagimbita
Salamat sa pagunawa, paumanhin sa iyo at sa iyong kasangga.

Ganun pa man, tuloy tuloy pa din ang ating barkadahan
Nabuong tunay, na kahit sa internet lamang naumpisahan
Sa sitio ng mga pinoy at pinay na siyang ating tagpuan
Palipasan ng oras sa kantahan, kwentuhan at pati tawanan
Masayang nagkakasama buong barkada sa Paltalk na larangan.

Mapayapang Araw sa iyo at sa iyong pamilya diyan, Kuya Enteng.(lol)

Sunday, May 15, 2005

Kuya Ped, ATe Mercy, Mark at Evits

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Mabuti naman at inyo etong napasyalan
Kami'y bumabati sa inyong lahat diyan
Sana'y kayo ay nasa mabuting kalagayan
Dito sa amin, maayos at mapayapa naman
Eto'y papugay ko sa inyo na walang hanggan.

Maalala ko diyan nung tayo'y nagsalo salo
Kahit paminsan minsan lang nagaganap eto
Walang katapusang kasiyahan sa mga kwento
Ating tinataguyod mga alaala ng lola't lolo.

Piyestahan, kainan, inuman, sayawan at kantiyawan
Yan ang di mapantayang samahan ng mga magpipinsan
Ang bawat isa sa atin ay talaga namang nasisiyahan
..........Magandang Araw sa inyong lahat diyan.

Image hosted by Photobucket.com.....Image hosted by Photobucket.com

Thursday, May 12, 2005

wala sa lahi ang pakikisama

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa larawan na eto'y aking nakasama
sila'y mga galing sa bansa ng Africa
Burundi, Sudan at ang iba'y sa Mongolia
Agfhanistan, Iraq, Burma at Yugoslavia
pag kuha ng larawan sila lahat ay nakatawa
kanilang mga mukha naaninang lubos na tuwa.

Image hosted by Photobucket.com

kaligayahan na sila'y pagsilbihan
mga kapos palad na mga nilalang
kung saan-saan bansa sila dumaan
hirap at gutom, sakit at kapansanan
kanilang dinanas sa ibat-ibang bayan.

ibang lahi at kultura kanilang daladala
hindi pa naman marunong sa wikang banyaga
buhay sa ibang bansa kanilang sinasagupa
kahirapan, kalungkutan nakikita sa mukha.

ang isa naman ay mamang australiano
nageensayo para siya'y makapagturo
pakay niya'y magsilbi mga ganitong tao
isinatabi kanyang computer na trabaho.

Saturday, May 07, 2005

para sa yumaong ina

Image hosted by Photobucket.com

kadakilaan ng isang ina
ay siyang ating naaalala
paghihirap na dinanas nila
sa mundo'y kanilang ipinakita
araw ng mga nanay ipagdiriwang na.

eto'y alay ko sa aming inang yumao
mapayapang nilisan ibabaw ng mundo
ngayon araw na eto sa kanya ialay eto
bulaklak at kandila pati na din tula ko.

Image hosted by Photobucket.com

ang aming ina na siyang isang dakila
anim na taon dumaan siya pa ding naaalala
ang inang nagbigay ng buhay kanyang isinagawa
sakripisyo sa lahat ng bagay di makakalimutan pa.

para sa aming yumaong ina alay namin eto sa iyo
pagpatnubay niyo noon sa amin ay hindi biro biro
ipinakitang pagmamahal sa lahat, pati rin sa mga apo
walang kapantay,walang hihigit pa sa pagmamahal niyo.

saan man kayo naroon, sana kayo'y masaya at mapayapa
wala man kayo sa aming piling, amin pa ring dala dala
pagmamahal na inyong pinakita ay isang napakadakila
sa inang tulad niyo na nagbigay sa amin ng pagasa
pagmamahalan, inyong iminulat sa aming mga mata.

ang paro-parong eto amin pa ding maalala
kayo'y nabalik nung yumao din ang aming ama
ilang linggo lang nakaraan inyo agad siyang kinuha
araw na yun ang paro paro'y nakabantay na sa kanya
nakadapo at umaaligid lagi sa kabaong ng yumaong ama.


MALIGAYANG ARAW PARA SA INYO

Monday, May 02, 2005

lilim at preskong hangin

Image hosted by Photobucket.com

aking maalala ang isang punong mangga
kung bumunga'y ang dami at gahol gahol pa
ang daming nakikinabang sa kanyang bunga
mga bata, matanda, kapitbahay ay natutuwa
punong mangga sa harap ng bahay ay wala na.

kung sa lilim na binibigay di maikumpara
preskong hangin sa paligid ay iyong nadarama
punong mangga ngayon akin lamang na aalala
malaking paghihinayang na puno ay nasibak na.

Image hosted by Photobucket.com

pagdadalamhati ay hindi dahil sa bigay na bunga
kundi alaala ng yumaong lolo nung siya'y buhay pa
yun ang nagbibigay ng tanda na siya'y isang dakila
sa buong bayan tinagurian siyang isang halimbawa
sa ilalim ng puno na lagi dun siya nakikita
wala na ang kanyang mga alaala eto'y nasira na.

bakit kaya? anong kwento ba talaga?
ang punong mangga na siyang alaala
yun ay aming malaking pinagtataka
bakit kaya yun ay biglang nawala?

magandang araw bayan!

Image hosted by Photobucket.com

ngayon isa na namang araw na mapayapa
kaya andito, abang lingkod nagpapahinga
pagsulat ay akin na namang isinasagawa
para magpalipas ng oras sa sitiong ginawa.

larangang naumpisahan ay siyang libangan
nakagawiang pagsulat dito lagi nilalaan
ng hindi palaboy laboy kung saang larangan
mabuti na yung meron laging napapasukan
pisarang masasabi, pagsulat ay walang hadlang.

larangan ay para sa mga piling kaibigan at pamilya
para na din sa madla kung pakay ay makikibasa
barrio fiesta ay hindi hahayaang babuyin ng iba
eto'y walang pakialam sa mga taong walang magawa
sumulat ng kahit ano pa ay sariling kong pasiya
dito nailalabas lahat ang mga nais na isagawa.

magandang araw bayan!

magandang araw kaibigan

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


naku po! ako'y nahingi ng despensa
ngayon lang nagkaroon ng oras sa pisara
oras kung minsan ay kinakapos talaga
mensahe para iyo ay tinugon ko na.

maraming salamat nga pala sa iyong larawan
di ko na babanggitin ang iyong pangalan
hayaan na lang natin na sila'y maghulaan
ating tignan kung mga kaibigan ika'y mamumukhaan
kaya pagbanggit ng pangalan ay di na kailangan.

nakakengganyong tignan iyong mga ngiti
mukhang meron ka yatang nakuhang swerte
huwag naman sanang ikubli at isatabi
swerte'y dapat lang na iyong ibahagi
aming tatanggapin na walang atubli...lol

hindi pa gaano tayo'y magkakilala
pero magaan tingin ko sa iyong mukha
hindi ka mapagmataas sa iyong kapwa
laging bumabati sa iba pag nakikita
sa mga kaibigan laging nakikisalamuha.

kung minsan ako'y nagaalangan
na kumausap ng iba sa silid na yan
di natin kasi alam ang mga katangian
ibang kasalamuha'y pakay nila'y kalokohan
kaya yun ang dapat lagi nating iingatan.

salamat sa iyong pagpatnubay dito sa barrio
kinagagalak ko at ikaw ay napapasyal dito
eto'y naumpisahan lang kamakailan bagong sitio
libangan lang ang pakay kung pagod sa trabaho.

papugay sa iyong pagparito!

Friday, April 29, 2005

pagmasdan ang kapaligiran

Image hosted by Photobucket.com

pagmasdan mo ang iyong kapaligiran
mga mata'y ibaling sa makasaysayan
maraming puwang na dapat ng punuan
sa buhay na ang daming kababalaghan.

sa ibang bayan iba iba ang mga kapalaran
ating suriin at bigyan ng isang kahalagaan
kahit eto'y iniwawan,nagdurusang pinagggalingan
sa wika na lamang maipakita bayan ay handugan.

sa pamamagitan ng mga salita
makarating man sa ibat ibang bansa
mga pagkukulang na di natin nagawa
dito ibulaslas sa pamamgitan ng wika.

halina kabayan, tayo na'y magumpisa
pagkakaisa ay ating nang isagawa
punuan mga pagkukulang na di nagawa
atin imulat ang mga mapupungay na mata.

huwag ka na diyan pakurap kurap
ang mata mo'y iyo nang imulat
wika natin siyang dapat kayakap
isagawa na sa larangang kaharap.

Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, April 26, 2005

tulay, kapantay ay agos ng buhay

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

naging marupok ang tulay na dinaanan
lumang kahoy tornilyo'y nagkalaglagan
nung eto'y nasagip ng isang kapansanan
bagyo at ulan na di na talaga naiwasan.

ulan at malakas na hangin, tulay ay nahatak
nasama sa agos ng daloy at yun ay lumagapak
sa malayo'y napagmasdan na nagkawatak-watak
karukupan siya'y napasama at tuluyang nawasak.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa mahabang paglalakbay sa buhay eto'y dumadaan
karumal dumal na ninais ay di nakakamtan ng lubusan
kahit anong tatag sa paglalakbay merong di na-aagapan
madaming kapansanan kasama na din mga alinlangan
mga karanasang lumipas maraming ng nasasaksihan
bantayog na mga pangarap dapat sanang isakatuparan
hindi lahat makakamit, iba'y tuluyan na mapapabayaan.

.......tulay ng buhay ay isang ring kababalaghan
gaya ng buhay ng tao madaming agos na dinadaanan
kung nagpapadala sa daloy, buhay walang hahantungan
sa malawak na kapaligiran mawawala ang kasaysayan
kaya tayong mga nilalang, dapat isipa'y ating tatagan.

paanyaya iyong tinugon, papugay sa iyo Boyet..

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa iyong pagpasok dito, aming kinagagalak po
paanyaya namin ni damong ligaw iyong tinamo
nung mabasa ang kasagutan na iniwan mo dito
kami'y natuwa at pinaunlakan mo ang email sa iyo.

maraming salamat boyet... sa iyong pagdating
pagpupugay namin sa iyo dito sa nasabing blogging
sa katotohanan noon pa sana'y ikaw ay imbitahin
nag pa dili dali baka naman hindi mo yun tanggapin
paanyaya sa larangan di namin alam kung iyong tugunin.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

isa ka sa mga poster sa larangan na talagang hinahangaan
galing mo sa pagsulat at sa dami ng iyong nalalaman
pagbasa ng iyong mga paksa ay laging sinusubaybayan
kakaibang istilo, kahit sinong babasa may matututunan
kaya kami'y nagbakasakaling ikaw ay aming imbitahan.

Monday, April 25, 2005

GS, salamat sa pagsubaybay dito sa Barrio Fiesta

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sino kaya ang makakapagsabi
na pagkakaibigan ay mananatili
sa pang araw araw na ating gawi
nabuo isang relasyon na kawi-wili.

Guirlan Samsara ang aking kaibigan
sa di pagaakala'y siya isang kababayan
pinaggalingang bayan na tawag ay pangasinan
doon nagsimula na ang isang magandang samahan
sa chatindex na laging pinupuntahang tipanan.

aming usapan lagi ay sa dialektong pangasinan
kahit siya man ay nasa banyagang bayan
sa kanyang kinaroroonang bansang Switzerland
di nakakalimot pagbigkas wikang nakagisnan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

aming samahan ni GS ay di lamang sa silid huntaan
tuloy pa rin hanggang sa paltalk na sitiong kantahan
pagawit ay kanyang pinasukan at tunay na ginampanan
kaaya ayang boses ay talaga namang di mapantayan

siya'y aking kasangga sa silid pag kantahan na
laging ensayo kami dun para boses tuluyang mahasa
pag dating ng isang kumpetisyon, di na pahuhuli pa
siya di'y taga "bounce" ng mga walang respeto sa iba
sa larangan ng paltalk - silid naming Barrio Fiesta.

salamat sa inyong pagdalo Christine ....

Image hosted by Photobucket.com

mga nakilalang kaibigan noon at sa kasalukuyan
Cristine at Tobleron ang kanilang mga pangalan
napasok na dito sa barrio fiestang larangan
pagbati ko sa kanila'y akin ding ilalaan.

papugay sa inyong pagdaan mga kaibigan ko
kahit man lang dito sa sitio makita man niyo
pasasalamat sa mga nagdaang taon nakilala kayo
pagkakaibigang nagsimula sa isang maliit na kwarto
silid na huntaan ng mga taong taga ibat ibang ibayo
pagkakaibigan ay atin ding natanto at natamo.

eto'y para sa inyo...

Image hosted by Photobucket.com

....biruin niyo ilang taon din ang nagdaan
hanggang ngayo'y andun pa tayo sa huntaan
di nawawalang mga tawanan at hagikgikan
pag nagkita kita ang mga lumang magkakaibigan.

aking ipaabot sana'y inyong pagmamahalan
tuloy tuloy na yan at walang hangganan
inyong makamtan ang tunay na kaligayahan
kasiyahan na walang halong alinlangan.

walang hangganan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

mula nung ikaw'y aking makilala
puwang sa buhay ay natakpan na
mga panahon na tayo'y nagsama
pagmamahal ay puno ng ligaya.

sa araw araw na nagdadaan
buhay ay naging makahulugan
nadadama'y walang hangganan
ikaw pa rin ang nilalaman
ng aking pusong nagdaramdan.

nanaisin pa kaya na mawala
ang mga naumpisahang ligaya
kahit nawawala na ang pagasa
pagdadalamhati'y isatabi muna

ikaw pa din sinisintang lubusan
pusong ligalig sa kinakarooonan
naninibugho sa mga nalalaman
na ikaw na'y nasa ibang kandungan
kaya buhay ay nawalan ng katuturan
sa iyong mga pinakita at kagagawan.

naisin mang nakaraan ay iwaksi
pagaakala'y ilalagay na sa tabi
na hindi na bubuklatin pang muli
nasa budhi'y di basta maikukubli.

Sunday, April 24, 2005

kainan, sayawan at kantahan sa BARRIO FIESTA

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

halina, halina sa barrio fiesta
ibat ibang pagkain ang nakahanda
nakalatag na lahat sa malaking lamesa
kainang masinsinan wala ng pruweba.

dahan dahan lang kayo sa pagsubo
baka biglang sa kubeta inyong takbo
kaya dapat ihanda lomotil sa bulsa niyo
kasarapan ng pagkain, bubundat kayo sigurado
pag si josie ang nagluto, fiesta sa barrio
lahat ng kakain, paguwi ay kuntentong-kuntento
meron pa siyang pabaon sa mga amiga at amigo.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

isusunod na natin ang sayawan
sasabayan rin yan ng kantahan
kasama na ang inuman at tagayan
pistachio at mani ang pulutan
sige, tagay lang mga kababayan.

C H E E R S S S S S S !!!!!!!!


Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Saturday, April 23, 2005

mga lutong walang kapantay

Image hosted by Photobucket.com

josie ang kanyang pangalan
sa pagluto'y di yan mapantayan
yan kanyang pinagpapalipasan
kusina ang pinag kakaabalahan
sarisaring lutong nagsasarapan
ang ihahatag sa iyong harapan.

Image hosted by Photobucket.com

kare kare, pinapaitan, dinuguan at saka adobo
siopao, ensamada, leche plan, pati na rin egado
pag siya'y nag umpisang magsalang sa kaldero
pakanta kanta pa yan at may kasamang musiko
kaya sumasarap lalo pag ulam ay nasa harap mo
malilimutan pati biyenan pagkakain mo ng todo.

Image hosted by Photobucket.com


wala akong masasabi kay josie na eto
mabait at laging nakangisi pagkausap mo
sa kabaitan niya'y kanya ka pang ipagluluto
ibat ibang klase pagkain pati pancit iyong paborito
yan ang isang katangian ni josie na di hamak po.

kaya tuloy pati ang batang eto'y naging lobo
biruin mo siya'y limang taon lang para na siyang sampo.

Image hosted by Photobucket.com

pag sikat ng araw

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


naaninag na ang isang kapayapaan
pagkatapos ng dilim na dinaanan
gunita na lamang ng mga nakaraan
ang takipsilim na nadaanan sa kapaligiran
di na bubuklatin pa at wala ng katuturan.

buhay nga naman! ang lungkot at saya
eto'y laging magkasama't magkatugma
lumbay, gulo at paglilinlang sa kapwa
kasali na din dito ang mga problema

bumibigat pa ang loob pag walang pera
laman ng pitaka puro mga barya barya...lol
nakakalungkot, butas din pati ang bulsa
yan ang tunay na problema na nakakapanghina.

ating pagmasdan na lang pagsikat ng araw
may taglay at dala-dalang ibat ibang kulay
puti at bughaw ang siyang nangingibabaw
simbolo na makakamtan ang magandang buhay.

sa pagsikat ng araw atin ding matatamo
kahit ano pa man na pakay natin sa mundo
walang hadlang lahat ay makakamtan eto
huwag lang sasamahan ng away at gulo
ng hindi masisira ang iniingatang ulo.
(opps anong ulo kaya yun, he he he )

mga gusot sa buhay nasa atin na ang pagdadala
harapin nating tunay ng makamtan ang biyaya.

Thursday, April 21, 2005

takipsilim ang kapaligiran

isang magandang alaala ang lumipas
mga pagkakataong hinayaang lumampas
naging walang saysay ang mga landas
binaling sa iba, ngayo'y wala ng wagas
dapat sana'y iningatan ng di kumupas.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

bakit kaya ganon ang mga pangyayari
mga nakaraan ay siya nalang isinatabi
nabilog kanyang ulo'y biglang gumawi
puso ng iba'y sinaktan,tuloy naging sawi
ngayon dibdib at puso'y nagdadalamhati.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

di na siguro maibabalik mga pagkakataon
mga araw na dumaan, na sana'y makasaysayan
mga salitang binitawan di naman iningatan
naglaho na lahat ang magandang naumpisahan.

takipsilim na ang nakikita sa kapaligiran
mga salita'y binaon na sa kadiliman
naglaho na rin mga nakaraang lambingan
ibaon na ang pagdaramdam sa lumang karanasan
halukipkip na lang, harapin ang katahimikan
hindi na eto muling babalikan at bubuksan

Wednesday, April 20, 2005

gunita ng kahapon

halina, sa barrio fiesta tayo'y magsaya
ating gunitain ang lungsod na kaayaaya
nilisan nating bayan na siyang naa-alala
kahit saan man tayo mapadpad at mapunta
siya pa rin ating naiisip at nagugunita.

Image hosted by Photobucket.com

etong mga larawan ay sa siyudad ng Baguio
doon pinanganak ang abang lingkod na eto
nag aral hanggang nagsimula ng trabaho
alaala na lamang ngayon ang gawa dito
dahil napadpad na sa lugar na malayo.

Image hosted by Photobucket.com

ang Burnham Park na laging pinapasyalan
eto'y dinadayo lagi ng ating mga kababayan
pag sa Sabado at Linggo'y dun nagkakainan
pagsakay sa bangka, isang masarap na aliwan

Image hosted by Photobucket.com

taong aking nakasalamuha'y gaya nila sa litrato
wala kang masasabi talaga sa paguugali ng mga katutubo
sa pananamit mga lalaki'y bahag lang panakip sa isang ulo
damit ng mga babae nama'y "tapis" ang tawag nila dito
pag umakyat sila sa nagtataasang bundok ng Baguio
nakapaa lamang, walang tsinelas, wala silang reklamo
kanilang nilalakad may daladala pang mabigat sa ulo
ganyan ang mga tribo doon sa pinaggalingan ko.

Image hosted by Photobucket.com

eto'y ang Rice Terraces na siyang dinadayo
bundok ng Ifugao, sa Baguio medyo malayo
palayan sa kabunduka'y gawa ng mga unang tribo
yan palaisipan ngayon ng mga napapasyal dito
pagkagawa nito'y di nila mawari kung papaano
isa sa mga pinagtataka ng mga tao sa buong mundo
sa taas ng bundok kay gandang pagmasdan sa malayo.


Image hosted by Photobucket.com.....Image hosted by Photobucket.com



ang "Jose Burgos Building" tawag dito sa may SLU
apat na taong inakyat ang mataas na gusaling eto
bagkus na tiyaga, pawis, hirap at binuhos ang ulo
makatapos lang ng isang matapat at tunay na kurso
para may magamit sa pagsagupa ng buhay dito sa mundo.