ating buhayin mga salawikain

ang kahoy hanggang malambot
ay madaling mahuhubog
kung malaki na at tumayog
mahirap na ang paghutok
* * * * * * * * * * * * *
mayaman man ang marikit
maganda ang pananamit
pag wala namang tagong bait
walang halagang gahanip
* * * * * * * * * * * * *
ang dungis ng iba bago mo batiin
ang dungis mo muna ang iyong pahirin
* * * * * * * * * * * * *
ano mang tibay ng piling abaka
ay wala ring lakas kapag nagiisa
* * * * * * * * * * * * *
kung ang isalubong sa iyong pagdating
masayang mukha't nakalabas mga ngipin
siguradong sa iyo may hihilingin
* * * * * * * * * * * * *
0 Comments:
Post a Comment
<< Home