<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: sa iyo ang huling halakhak ...

Saturday, April 16, 2005

sa iyo ang huling halakhak ...

eto'y handog ko sa iyo kaibigan
hindi ko na banggitin iyong pangalan
alam mo na eto'y para sa iyo lamang.

tama ka masakit ang mga pangyayari
puso'y nasobrahan ng pagdadalamhati
pero sa huli eto'y tunay mong masasabi
na ikaw'y pinagpala at talagang nagwagi
ngayon siguradong taas noo kang nakangiti.

ang mga pangyayari nga naman
dumadating ang mga kasagutan
sa panahon na di mo inaasahan
kaya ngayon ika'y aking sasamahan
malakas at matutunog na halakhakan
walang hihigit pa eto'y talagang piyestahan

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

dumaan na yung panahon na ika'y nasaktan
pagmamahal ng taong hindi pala mapagkatiwalaan
puso mo'y sinugatan at kanyang pinaglaruaan
yun pala ay nagbigay sa iyo magandang daan
para di ka masyadong mahulog sa sobrang karimlan.

baka naman diyan ka pa mahulog sa iyong upuan
at biglang kabagin sasakit pa ang iyong tiyan
sa sobrang pagtawa sa mga nakitang larawan
dahan dahan lang kaibigan kong nakapanayam.

salamat nga pala sa iyong pagdaan
pagbati sa iyo aking iiwanan
magandang araw at ingat lagi diyan
ika'y magumpisa ng humanap ng mapupusuan
huwag ng lingunin yung isang nakaraan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home