<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: GS, salamat sa pagsubaybay dito sa Barrio Fiesta

Monday, April 25, 2005

GS, salamat sa pagsubaybay dito sa Barrio Fiesta

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sino kaya ang makakapagsabi
na pagkakaibigan ay mananatili
sa pang araw araw na ating gawi
nabuo isang relasyon na kawi-wili.

Guirlan Samsara ang aking kaibigan
sa di pagaakala'y siya isang kababayan
pinaggalingang bayan na tawag ay pangasinan
doon nagsimula na ang isang magandang samahan
sa chatindex na laging pinupuntahang tipanan.

aming usapan lagi ay sa dialektong pangasinan
kahit siya man ay nasa banyagang bayan
sa kanyang kinaroroonang bansang Switzerland
di nakakalimot pagbigkas wikang nakagisnan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

aming samahan ni GS ay di lamang sa silid huntaan
tuloy pa rin hanggang sa paltalk na sitiong kantahan
pagawit ay kanyang pinasukan at tunay na ginampanan
kaaya ayang boses ay talaga namang di mapantayan

siya'y aking kasangga sa silid pag kantahan na
laging ensayo kami dun para boses tuluyang mahasa
pag dating ng isang kumpetisyon, di na pahuhuli pa
siya di'y taga "bounce" ng mga walang respeto sa iba
sa larangan ng paltalk - silid naming Barrio Fiesta.

2 Comments:

At 9:25 PM, Anonymous Anonymous said...

Sus ang makata nga naman kung dumali magagandang salita kanyang napipili kaya mga kaibigan wiling wili sa pagbabasa sa kanyang mga sinasabi.

Ang galing sisko ituloy tuloy mo lang to siguradong malayo ang mararating mo. Mga kaibigan mong inimbita lang ang makakabasa nito kaya walang intiriga tulad sa UBB siguro :)

Good job sis and thanks!

GS

 
At 10:05 PM, Blogger Angie said...

Maraming salamat sa iyong iniwang mensahe. para sa aking mga kaibigan at pamilya, pagsulat ako'y nawiwili. yan lang ang palipasan na aking nakagawi.

Sana'y etong larangan ay pasyalan mo lagi.

Magandang araw sa iyo diyan, GS.

 

Post a Comment

<< Home