<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: pag sikat ng araw

Saturday, April 23, 2005

pag sikat ng araw

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


naaninag na ang isang kapayapaan
pagkatapos ng dilim na dinaanan
gunita na lamang ng mga nakaraan
ang takipsilim na nadaanan sa kapaligiran
di na bubuklatin pa at wala ng katuturan.

buhay nga naman! ang lungkot at saya
eto'y laging magkasama't magkatugma
lumbay, gulo at paglilinlang sa kapwa
kasali na din dito ang mga problema

bumibigat pa ang loob pag walang pera
laman ng pitaka puro mga barya barya...lol
nakakalungkot, butas din pati ang bulsa
yan ang tunay na problema na nakakapanghina.

ating pagmasdan na lang pagsikat ng araw
may taglay at dala-dalang ibat ibang kulay
puti at bughaw ang siyang nangingibabaw
simbolo na makakamtan ang magandang buhay.

sa pagsikat ng araw atin ding matatamo
kahit ano pa man na pakay natin sa mundo
walang hadlang lahat ay makakamtan eto
huwag lang sasamahan ng away at gulo
ng hindi masisira ang iniingatang ulo.
(opps anong ulo kaya yun, he he he )

mga gusot sa buhay nasa atin na ang pagdadala
harapin nating tunay ng makamtan ang biyaya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home