takipsilim ang kapaligiran
mga pagkakataong hinayaang lumampas
naging walang saysay ang mga landas
binaling sa iba, ngayo'y wala ng wagas
dapat sana'y iningatan ng di kumupas.

bakit kaya ganon ang mga pangyayari
mga nakaraan ay siya nalang isinatabi
nabilog kanyang ulo'y biglang gumawi
puso ng iba'y sinaktan,tuloy naging sawi
ngayon dibdib at puso'y nagdadalamhati.

di na siguro maibabalik mga pagkakataon
mga araw na dumaan, na sana'y makasaysayan
mga salitang binitawan di naman iningatan
naglaho na lahat ang magandang naumpisahan.
takipsilim na ang nakikita sa kapaligiran
mga salita'y binaon na sa kadiliman
naglaho na rin mga nakaraang lambingan
ibaon na ang pagdaramdam sa lumang karanasan
halukipkip na lang, harapin ang katahimikan
hindi na eto muling babalikan at bubuksan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home