<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: magpipinsan - sarap ang samahan

Sunday, April 17, 2005

magpipinsan - sarap ang samahan

eto na ang inyong mga larawan
inyo ng pagmasdan at titigan
huwag niyo na akong irapan
di ko naman kayo nakakalimutan.

dalaginding na nakasalamin
siya ang aking bituin malambing
katabi niya'y labas mga ngipin
yan naman ay si sarah jhane

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


nagkasa kasama ang mga magpipinsan
nung nagkikita sila sa ating bayan
pinagtiklob, mukha'y nagkakatuwaan
gawa'y kwentuhan at hagalpakan
kurutan habang naglalamunan.

Image hosted by Photobucket.com


raey ann - kinakatakutan ng bayan
pag umirap talaga namang nakakailang
pati boksingero susugurin niya yan
walang pakime siya na'y nakikipagbakbakan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


si henri boy ay isang masunuring bata
walang kibo kahit kurutin mo pa
kaya huwag mo na lang galawin siya
eto'y parang matanda kung umasta
siya yatang nagmana sa lolo niya.


Image hosted by Photobucket.com


evita ang dalaginding mayumi
palagi na lang siya'y nakangiti
kahit may problema di nagsasabi
pag nagmaktol andun na sa tabi

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


diogenes-dondon, hay naku pacute lang eto
pero siya naman ay mabait kahit papaano
wala kang makikitang kalokohan nito
kaya mga girls sa kanya ay saludo.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


eric the boy sa umaga hanap ng kanin lagi
pag ginutom sasabihin pang "am dying daddy"
kung sa kusina'y hindi siya nagpapahuli
he he he he ....... ano ba yan, eric !

Image hosted by Photobucket.com
nikki at jane rose

naaninag mga ngiti sa kanilang mga labi
pag pinagmasdang mabuti kanilang mga uri
nakaukit magandang kalooban sa kanilang budhi
nagni ningning na kasiyahan mata'y mga saksi.


kung sa gel ay talaga namang nag aaburido
ayaw lumabas ng bahay pag walang gel sa ulo
kahit anong lakas ng hangin o kaya bagyo
siguradong buhok ni pods ay di magugulo he he he

hay naku! mga kabataan nga naman

0 Comments:

Post a Comment

<< Home