paanyaya iyong tinugon, papugay sa iyo Boyet..

sa iyong pagpasok dito, aming kinagagalak po
paanyaya namin ni damong ligaw iyong tinamo
nung mabasa ang kasagutan na iniwan mo dito
kami'y natuwa at pinaunlakan mo ang email sa iyo.
maraming salamat boyet... sa iyong pagdating
pagpupugay namin sa iyo dito sa nasabing blogging
sa katotohanan noon pa sana'y ikaw ay imbitahin
nag pa dili dali baka naman hindi mo yun tanggapin
paanyaya sa larangan di namin alam kung iyong tugunin.

isa ka sa mga poster sa larangan na talagang hinahangaan
galing mo sa pagsulat at sa dami ng iyong nalalaman
pagbasa ng iyong mga paksa ay laging sinusubaybayan
kakaibang istilo, kahit sinong babasa may matututunan
kaya kami'y nagbakasakaling ikaw ay aming imbitahan.
2 Comments:
WELCOME KA BOYET! DUMITO KA PALA.
MALIGAYANG PAGPASOK! nakikibasa lang ako dito sa website ni ms lyn.
sana meron din mabasa galing sa iyo 'tol
hello sa iyo anony....oo nga napasilip din si Boyet dito kaya ayan may special welcome sa kanya. buti nga pinaunlakan niya pagyaya namin.
sana magumpisa na din siya ng kanyang blog site... nakakaaliw din at saka maraming matututunan dito. kaw din anony, register ka na di para blogmates tayo...mag assist kami ni Damong ligaw pag meron ka ng blog.
Post a Comment
<< Home