<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: tulay, kapantay ay agos ng buhay

Tuesday, April 26, 2005

tulay, kapantay ay agos ng buhay

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

naging marupok ang tulay na dinaanan
lumang kahoy tornilyo'y nagkalaglagan
nung eto'y nasagip ng isang kapansanan
bagyo at ulan na di na talaga naiwasan.

ulan at malakas na hangin, tulay ay nahatak
nasama sa agos ng daloy at yun ay lumagapak
sa malayo'y napagmasdan na nagkawatak-watak
karukupan siya'y napasama at tuluyang nawasak.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa mahabang paglalakbay sa buhay eto'y dumadaan
karumal dumal na ninais ay di nakakamtan ng lubusan
kahit anong tatag sa paglalakbay merong di na-aagapan
madaming kapansanan kasama na din mga alinlangan
mga karanasang lumipas maraming ng nasasaksihan
bantayog na mga pangarap dapat sanang isakatuparan
hindi lahat makakamit, iba'y tuluyan na mapapabayaan.

.......tulay ng buhay ay isang ring kababalaghan
gaya ng buhay ng tao madaming agos na dinadaanan
kung nagpapadala sa daloy, buhay walang hahantungan
sa malawak na kapaligiran mawawala ang kasaysayan
kaya tayong mga nilalang, dapat isipa'y ating tatagan.

5 Comments:

At 11:28 AM, Anonymous Anonymous said...

ang tulay na eto ay di hahayaang mawasak kahit kailan ay andiyan pa din gaya ng dati iyong dadaanan.

hirap namang magtugma ng salita

balik na lang ako ulit, ms lyn.

magandang araw mo. kumusta ka na?

 
At 11:56 AM, Anonymous Anonymous said...

maraming salamat pala sa pagimbita dito sa site.

ipagpatuloy mo ang eto maganda at maayos na paraan kaysa sagutan ay away sa kabila. muahhzzz

 
At 4:12 PM, Blogger Angie said...

mukhang naamoy ko na kung sino eto ah! pasyal ka lang dito anytime.

walang anuman, silip ka lang anytime! buti nga napasyal ka din dito. maraming salamat din sa pagparito. may mga nakahanda na ding pagkain diyan kain ka na din... lol

 
At 12:21 AM, Anonymous Anonymous said...

To my Best Pren:

I don't know kung bakit dehins ka na sumulat sa akin. It's been...almost six years since I heard from you. Ano ba, kaibigan? Sometimes I feel chasing the postman thinking baka he is holding on to your letters na may checke. Iyong utang mo sa akin six years ago, kalimutan mo na. Iyong interest na lang ang bayaran mo. Parang wala naman tayong pinagsama!

Iyong t-shirt at Barong Tagalog na hiniram mo sa akin na sabi mo eh ibabalik mo bukas hangga ngayon di mo pa naibabalik. Sigurado ako na ito'y sobra na ang kupas at butas-butas. Huwag kang magalala my pren. Papalitan ko ito ng Adidas, ibalik mo lang sa akin dahil may sentimental value ito sa akin lalu na iyong Barong Tagalog na aking isinuot sa aking wedding. Biruin mo, 10th Anniversary namin this year 'tol! Tandang tanda ko pa, remember, you
were my Best Man!

Iyong si misis balita ko buntis na naman. Sabi niya sa akin palagi daw ang iyong dalaw. That is good kahit na hindi ka sumusulat sa akin eh you constantly visit her. That what friends are for?

Nagtataka lang ako kung bakit siya buntis when hindi ako nakakauwi mahigit na ng dalawang taon. Anyhow, paki alalayan mo nalang siya. I trust her so much as I do you! Kahit anong sabihin niya, paniwala naman ako. Sabi nga nila, you got to show me something not to trust you! Anak naman o...pa English-english pa!

Sana mabasa mo ito sa bagong computer ng misis ko. Subalit, sumulat siya sa akin na hindi daw niya nabili iyong computer dahil malaki daw ang gastos namin doon sa aming mechanico. Ewan ko, dalawang taon ng pinagagawa itong aming Pajero, hangga ngayon di pa natatapos. Sana na lamang iyong Pajero mo, paminsan-minsan nagagamit ni misis lalu na kung kailangan na kailangan niya. Salamat sa iyo my pren, kahit
hindi ka sumusulat sa akin....sana ay di ka nakakalimot sa ating pinagsama kasama na ni misis. Miss na miss kita, lalung-lalu na si misis. Paki halik mo nalang ako sa kanya at sabihin na mahal ko siya!

Your best pren....Boyet

 
At 11:59 AM, Blogger Angie said...

Ka Boyet,

Salamat sa pagpasok muli dito sa Barrio Fiesta. Sana naman mabasa ng iyong best pren ang iyong sulat. hehehe sadyang ganyan talaga pag best pren eh binabalewala na nag hiniram ano, kala mo libre na lahat ng bagay.

Kumusta na po sa inyo diyan? Dito naman po sa amin ay mapayapa naman at maayos sa pang araw araw na gawain. blogging na po ang aking pinag kakaabalahan. Masaya naman na nailalabas ang mga katha ng isipan.

Salamat po muli sa inyong pagsubaybay dine, Ka Boyet! Sana maayos po kayo sa inyong kinaroroonan.

Angie

 

Post a Comment

<< Home