<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: wala sa lahi ang pakikisama

Thursday, May 12, 2005

wala sa lahi ang pakikisama

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa larawan na eto'y aking nakasama
sila'y mga galing sa bansa ng Africa
Burundi, Sudan at ang iba'y sa Mongolia
Agfhanistan, Iraq, Burma at Yugoslavia
pag kuha ng larawan sila lahat ay nakatawa
kanilang mga mukha naaninang lubos na tuwa.

Image hosted by Photobucket.com

kaligayahan na sila'y pagsilbihan
mga kapos palad na mga nilalang
kung saan-saan bansa sila dumaan
hirap at gutom, sakit at kapansanan
kanilang dinanas sa ibat-ibang bayan.

ibang lahi at kultura kanilang daladala
hindi pa naman marunong sa wikang banyaga
buhay sa ibang bansa kanilang sinasagupa
kahirapan, kalungkutan nakikita sa mukha.

ang isa naman ay mamang australiano
nageensayo para siya'y makapagturo
pakay niya'y magsilbi mga ganitong tao
isinatabi kanyang computer na trabaho.

5 Comments:

At 9:53 PM, Blogger Angie said...

pinalitan ko ang tunog ng musiko para magkatugma sa pangalan ng blog ko. parang piyestahan lagi ang paligid mo pag barrio-fiesta'y bubuksan mo.

pakikisama'y wala talaga sa anyo
kagandaha't kayamanan di basehan sa tao, sa hitsura ang tinitignan ng ibang tao, matayog na narating di na yuyuko, kaya pag nakita ang larawan na isang tao, pinag pipiyestahan, tinatawanan, niyuyurakan kapwa tao.

kagandahan ay hindi basehan,
para pagtawanan ang ibang nilalang
nagmumukha tuloy silang parang aso,
mga taong ganyan nawawala respeto ko,kahit ano pang sabihin sa ating tingin sila'y tsonggo.

aking binalandra mga taong nakakasalamuha, kabaitan aking nakikita, mga ugali kaginsa ginsa,
walang problema sa pakikisama. isang salita sila'y kinig na, makikita mo sa mukha na sila'y masaya.

respeto ay abot hanggang ulo.

Magandang araw din sa iyo diyan sis DL.

 
At 7:56 AM, Anonymous Anonymous said...

tumpak! wala sa lahi kung makisama ang tao. wala din sa mukha at lalong wala sa hitsura ang pakikisama. hindi pagandahan ang pakikisama sa kapwa!

tama ka ms lyn. dapat magising na yung mga mapaglait sa kapwa nila, pagandahan pa sila, araguyyyy!!!

 
At 1:27 PM, Anonymous Anonymous said...

aba, aba! eto na ba mga estudyante mo ngayon? kung ano ano hinaharap mo ah.

very nice angie. keep it up.

 
At 10:34 PM, Blogger Angie said...

to anonymous,

salamat naman at ikaw ay napadako
sa aking sitio, mensaheng iniwan mo ay kasiyahan ko. pwede mo namang ilagay pangalan mo sa sunod na na pasok mo dito, para alam ko ang pasasalamatang totoo. salamat ulit sa iyong komentaryo, nawa'y nalibang ka din dito sa barrio.

tama ang iyong sinabi, hindi nakukuha sa ganda ang pakikisama. kahit ano pa mang itsura ang kaharap, hindi sa mukha nakikita ang ganda, kagandahang loob ang mas mahalaga. magandnag araw saiyo diyan.

 
At 10:39 PM, Blogger Angie said...

hello sue,

hayyy, napasok ka din pala dito.nakita ko ang iniwan mong message sa vissions-values blog. mukhang inimbistiga mo lahat ah. he he he... salamat ulit sa pagdaan dito. kung minsan ginaganahan din sa pagsulat , kung minsan wala din, nasa mood din yan. siya pasyal ka ulit dito sa barrio.

 

Post a Comment

<< Home