<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: magandang araw kaibigan

Monday, May 02, 2005

magandang araw kaibigan

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


naku po! ako'y nahingi ng despensa
ngayon lang nagkaroon ng oras sa pisara
oras kung minsan ay kinakapos talaga
mensahe para iyo ay tinugon ko na.

maraming salamat nga pala sa iyong larawan
di ko na babanggitin ang iyong pangalan
hayaan na lang natin na sila'y maghulaan
ating tignan kung mga kaibigan ika'y mamumukhaan
kaya pagbanggit ng pangalan ay di na kailangan.

nakakengganyong tignan iyong mga ngiti
mukhang meron ka yatang nakuhang swerte
huwag naman sanang ikubli at isatabi
swerte'y dapat lang na iyong ibahagi
aming tatanggapin na walang atubli...lol

hindi pa gaano tayo'y magkakilala
pero magaan tingin ko sa iyong mukha
hindi ka mapagmataas sa iyong kapwa
laging bumabati sa iba pag nakikita
sa mga kaibigan laging nakikisalamuha.

kung minsan ako'y nagaalangan
na kumausap ng iba sa silid na yan
di natin kasi alam ang mga katangian
ibang kasalamuha'y pakay nila'y kalokohan
kaya yun ang dapat lagi nating iingatan.

salamat sa iyong pagpatnubay dito sa barrio
kinagagalak ko at ikaw ay napapasyal dito
eto'y naumpisahan lang kamakailan bagong sitio
libangan lang ang pakay kung pagod sa trabaho.

papugay sa iyong pagparito!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home