<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: June 2005

Sunday, June 19, 2005

Paanyaya Sa Mga Kababayang Makata

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Mga kababayan na napapasyal dito sa munting barrio
Aking ipapaalam po sa inyo na may bubuksang sitio
Eto'y isang samahan ng mga makatang kababayan po
Na kung saan napadpad na lugar sa sulok ng mundo.

Atin pong bubuksan ang isang bagong larangan
Isang sitio ng samahan ng mga magkakababayan
Isahimpapawid natin mga kaginsa ginsang sagutan
Sa pamamagitan ng pagsulat sa sitiong uumpisahan
Pagsali sa samahan ay huwag na ninyong pagiisipan.

Bawat isa na makikisali po, may hawak na susi ng sitio
Pag gusto niyong pasukan, sumulat, makibasa at makihalubilo
Eto'y paanyaya po sa lahat na makata na gustong makihalo
Magiwan lang kayo ng mensahe sa pisarang huntaan sa may dulo.

Maraming Salamat At Mapayapang Araw sa bawat isa sa inyo.

Tuesday, June 14, 2005

Itaguyod Ang Sariling Atin

Parang kailan lang, bansa ay aking nilisan
Kamakailan lamang yun Inang Bayan ay iniwan
Pero wika'y ni minsan di talaga kinalimutan
Ititanaguyod pa din at hindi tinatalikdan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Malayo man tayo sa kinagisnang bansa
At ating hinarap ang wikang banyaga
Sa puso't damdamin wika'y ating naaalala
Kahit nasa kandungan na ng bansang banyaga.

Mga kababayan kong pilipino na kapwa mga pango
Ating itaguyod ang wika ni Amang Diego at Prokopyo
Wikang binandila ni Balagtas sa ating mga ninuno
Hindi dapat kalimutan kahit sa panahon ni Gloria Arroyo.

Sa pamamagitan ng sitio na eto dito sa munting barrio
Aking iparating na ang wika natin ay itinataguyod ko po
Sa paglikha ng makasaysayang larangan para sa buong mundo
Dito ipaabot ang mensahe sa mga nakakalimot na nasa malayo
Tangkilikin pa din ang nakagisnang wika na itinuro ni lolo.

Wikang Pinoy ay talaga namang napakagandang dinggin
Lalo na sa mga awiting taglay ang lambing ng damdamin
Kaya mga kababayan ang ating wika ay itaguyod pa rin
Sariling atin, sariling wika dapat bigyan lagi ng pansin
Kahit malayo sa inang bayan, atin pa ring mimithiin.

Monday, June 13, 2005

Bulaklak Sa Buwan Ng Marso

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


Ngiti mo sa mukha ay sadyang nakakabighani
Sa lawaran mo'y nakikita ang iyong paguugali
Aking ilathala dito, ika'y isang babaing mayumi
Pero naaninag din sa iyong mukha ang pagdadalamhati.

Nung una kitang makilala sa isang larangan
Wala akong alinlangan na ika'y maging kaibigan
Natanto ko na lamang sa ating araw araw na usapan
Ang kabaitan na di nakikita sa mga iba diyan.

March Flower kung ikaw ay kanilang tawagin
Pangalan ng isang dalagang nagluluningning
Bulaklak sa buwan ng Marso napakagandang dinggin
Lalo pang nabibighani mga kaibigan sa iyong mga awitin.

Salamat sa pagpapaunlak mo dito
Na aking ilagay ang iyong litrato
Dito sa barrio fiesta na aking sitio
Namagitan na pagkakaibigan natin ay totoo.

Sunday, June 12, 2005

Papugay Sa Aking Mga Kapamilya Sa ICMC

Ito'y isang papugay para sa inyo
Aking pagimbita'y pinaunlakan niyo
Sa larangan ng blogging na pinasukan ko
Maraming Salamat sa inyong pagparito.

Maalala pa ba niyo eto mga Kapamilya ko?
PRPC Neighbourhood
Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Ito ngayon ang aking pinag kakaabalahan
Pagka galing sa trabaho dun sa paaralan
Aking inaatupag mga inumpisahang larangan
Para naman maiba ang aking kapiligiran.

Pag harap ng mga estudyante ay sadyang di biro
Andiyan mga araw na sumasakit talaga ating ulo
Kaya ito ang naisip kong maayos na pahingaan po
Mga larangan dito na unti unti ko pong binubuo.

Mapayapang Araw Sa Inyong lahat mga ICMC na Kapamilya ko.

Choi oi, Cam enh(viet)..... Sumh nang loo! Okun Charan.(Khmer)
Shukran, Maasalama (arabic)

Tuesday, June 07, 2005

Panaginip Man Kung Tawagin

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Isang magandang alaala, akin pa ding nagugunita
damdamin na isinatabi na yun ay muling nabuksan pa.
bagyong aking nadaanan nagbigay ng isang daan
na muli kong balikan ang isang alaala sa nakaraan.

bakit nga ba ganito, kahit saang dulo ng isipan ko
nangingibabaw ang karansan ng isang nakaraang yugto
sa hindi pagaakala muling lalakbayin ang yugtong eto
sadya ba talaga para harapin ang buhay na totoo?

Monday, June 06, 2005

Ating Balikan Ang Nakaraan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Taon , buwan at mga araw ang nakaraan
Isinitabi isang samahan na makasaysayan
Ating kinaligtaan ang magandang naumpisahan
Basta na lang naglaho na di natin nalalaman.

Ating nilisan lugar na kung saan sinimulan
Naglakbay kung saan saan, maraming nadaanan
Minsan inisip kong balikan yung pinanggalingan
Naaninag ang isang anyo ng tunay na pagkakaibigan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sadya yatang dapat na muling ayusin ang iniwan
Ng di na muli sanang babagabag pa sa ating isipan
Nung una'y nanatili pa din ang tunay na katahimikan
Pero umapaw ang damdaming di inaasahan at maintindihan.

Ang nakaraan ay muli pa kaya nating balikan
O kaya nararapat ng iwasan at tuluyang tatalikdan?

Thursday, June 02, 2005

Piging Sa May Palaisdaan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Para sa inyo, Bert, Rets, Kuya Peds, Ate Mercy at sa LAHAT na kamaganak na sumusubaybay dito sa Barrio Fiesta.

Mabuti naman at kayo'y nagsasalo muli diyan
Nakikinita ko ang anyo ng inyong magandang samahan
Sayang wala kami sa ginawang piging sa palaisdaan
Sana'y amin ding maranasan ang tunay na kasiyahan.

Mukhang ang handaan ay punong puno ng katuwaan
Marami palang nagdatingan na mga kamag anakan
Mabuti at salo salo kayo ulit sa isang binyagan
Siguradong meron na namang naglasingan diyan
Whiskey, bilog, lambanog, basi, hindi mawawala yan
Saka kainan sa may pampang ay sadyang di mapapantayan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sa mga kwento niyo kami na'y nasisiyahan
Kahit wala kami diyan amin ding nararamdaman
Ang magandang samahan nating magpipinsan
Di bale sa susunod kami naman ay andiyan
Kasali na din sa piging diyan sa palaisdaan.

Sana inyo naman kaming padalhan dito sa malayo
Dinaing na bangus inaasam asam na matikman po
Nagtitiis sa "frozen" na benta sa tindahang pilipino
Sa sobrang katigasan pwedeng pang pamukpok sa ulo.

Kumusta na kayong lahat na walang hanggan!
Ellezer, Cors at Princess Josie, walang inggitan
Sa larawan na lang ng bangus kayo magtinginan
Hanggang ganyan na lang ang ating matitikman.
(he he he he)

Angie

Pagbati Sa Iyo Diyan, Pamangkin

Leo, eto na ang iyong inaasam-asam at inaabangan
Baka sabihin mo aking nakaligtaan at nakalimutan
Ang paglagay ng iyong nakakasindak na larawan (hehehe)
Eto nilagay ko na sa Barrio Fiesta na aking larangan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Naku, siguradong ikaw na ay talagang masisiyahan
Abot sa tainga ngiti mo pag eto'y iyo ng mabuksan
Kumurap ka naman baka bigla kang mapuwing diyan
Larawan mo na ay nasa unahan at hindi sa hulian
Pag nakita mo eto, pagkain iyo ng makakalimutan.

Etong si Leo,kinakatakutan yan sa bayan
Boksingiro etong tunay kung walang kalaban
Kaya ang mga tao sa bayan nagiingat diyan
Walang patawad eto kung sa mga naglalasingan
Pag siya'y umasta, ang lahat ay nagtatakbuhan.
( ha ha ha ha )

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com