<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: muling buhayin ang nakaraan, makatang lonegun

Monday, May 30, 2005

muling buhayin ang nakaraan, makatang lonegun

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Makatang Lonegun, medyo natagalan ang iyong paglisan
Halina, halina, muli nating tutunghayan at bubuksan
Pagiging makata mong tunay di yan dapat pinapabayaan
Pasukan mo na muli ang pagsulat ng tunay na balagtasan
Ating isagawa ang susunod na kabanata ng librong naumpisahan.

Sa aking pagiisa, binuksan ko ang pribadong larangan
At ipinapagpatuloy ang pagsusulat ng pangmakata lamang
Gusto ko man na yun ay hintuan, nanaig sa aking isipan
Na dapat ituloy ang pagsusulat ng mga tulang makasaysayan.

Muli kong binalikan ang pagsulat sa wikang nakagisnan
Hindi basta yun sinasatabi lang dahil sa kanilang kalokohan
Pinagpatuloy ang "Ating Balikan" sana'y iyo ding "Tanghalan"
Para manaig pa din ang wika ng ating inang bayan na iniwanan.

Kaibigan Lone, eto'y papugay ko sa iyo sa iyong pagparito
Pag nagka-oras ka, iyo ng umpisahan ang sarili mong sitio
Sa dami mong kaalaman sa pagsulat, balagtasang tunay at totoo
Iyong ipagpatuloy, harinawa tayo'y makabuo muli ng ilang libro.

Sa pamagat ng aking sitio siguro naman iyo ng nakita
Na eto'y "karugtong ng kahapon" na una nating isinagawa
Muli tayong bubuo ng kadagdagang libro na pang makata
Para sa ating pagtanda, mga kabataa'y meron silang mababasa.

Halina, halina kaibigang Makata, atin muling isagawa
Pangatlo, pang apat o kaya panglimang libro pa kaya
Huwag mag atubili, pag nagka oras ka na muli makata
Gawing libangan para ipamulat sa iba ang wikang pambansa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home