<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: April 2005

Friday, April 29, 2005

pagmasdan ang kapaligiran

Image hosted by Photobucket.com

pagmasdan mo ang iyong kapaligiran
mga mata'y ibaling sa makasaysayan
maraming puwang na dapat ng punuan
sa buhay na ang daming kababalaghan.

sa ibang bayan iba iba ang mga kapalaran
ating suriin at bigyan ng isang kahalagaan
kahit eto'y iniwawan,nagdurusang pinagggalingan
sa wika na lamang maipakita bayan ay handugan.

sa pamamagitan ng mga salita
makarating man sa ibat ibang bansa
mga pagkukulang na di natin nagawa
dito ibulaslas sa pamamgitan ng wika.

halina kabayan, tayo na'y magumpisa
pagkakaisa ay ating nang isagawa
punuan mga pagkukulang na di nagawa
atin imulat ang mga mapupungay na mata.

huwag ka na diyan pakurap kurap
ang mata mo'y iyo nang imulat
wika natin siyang dapat kayakap
isagawa na sa larangang kaharap.

Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, April 26, 2005

tulay, kapantay ay agos ng buhay

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

naging marupok ang tulay na dinaanan
lumang kahoy tornilyo'y nagkalaglagan
nung eto'y nasagip ng isang kapansanan
bagyo at ulan na di na talaga naiwasan.

ulan at malakas na hangin, tulay ay nahatak
nasama sa agos ng daloy at yun ay lumagapak
sa malayo'y napagmasdan na nagkawatak-watak
karukupan siya'y napasama at tuluyang nawasak.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa mahabang paglalakbay sa buhay eto'y dumadaan
karumal dumal na ninais ay di nakakamtan ng lubusan
kahit anong tatag sa paglalakbay merong di na-aagapan
madaming kapansanan kasama na din mga alinlangan
mga karanasang lumipas maraming ng nasasaksihan
bantayog na mga pangarap dapat sanang isakatuparan
hindi lahat makakamit, iba'y tuluyan na mapapabayaan.

.......tulay ng buhay ay isang ring kababalaghan
gaya ng buhay ng tao madaming agos na dinadaanan
kung nagpapadala sa daloy, buhay walang hahantungan
sa malawak na kapaligiran mawawala ang kasaysayan
kaya tayong mga nilalang, dapat isipa'y ating tatagan.

paanyaya iyong tinugon, papugay sa iyo Boyet..

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa iyong pagpasok dito, aming kinagagalak po
paanyaya namin ni damong ligaw iyong tinamo
nung mabasa ang kasagutan na iniwan mo dito
kami'y natuwa at pinaunlakan mo ang email sa iyo.

maraming salamat boyet... sa iyong pagdating
pagpupugay namin sa iyo dito sa nasabing blogging
sa katotohanan noon pa sana'y ikaw ay imbitahin
nag pa dili dali baka naman hindi mo yun tanggapin
paanyaya sa larangan di namin alam kung iyong tugunin.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

isa ka sa mga poster sa larangan na talagang hinahangaan
galing mo sa pagsulat at sa dami ng iyong nalalaman
pagbasa ng iyong mga paksa ay laging sinusubaybayan
kakaibang istilo, kahit sinong babasa may matututunan
kaya kami'y nagbakasakaling ikaw ay aming imbitahan.

Monday, April 25, 2005

GS, salamat sa pagsubaybay dito sa Barrio Fiesta

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sino kaya ang makakapagsabi
na pagkakaibigan ay mananatili
sa pang araw araw na ating gawi
nabuo isang relasyon na kawi-wili.

Guirlan Samsara ang aking kaibigan
sa di pagaakala'y siya isang kababayan
pinaggalingang bayan na tawag ay pangasinan
doon nagsimula na ang isang magandang samahan
sa chatindex na laging pinupuntahang tipanan.

aming usapan lagi ay sa dialektong pangasinan
kahit siya man ay nasa banyagang bayan
sa kanyang kinaroroonang bansang Switzerland
di nakakalimot pagbigkas wikang nakagisnan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

aming samahan ni GS ay di lamang sa silid huntaan
tuloy pa rin hanggang sa paltalk na sitiong kantahan
pagawit ay kanyang pinasukan at tunay na ginampanan
kaaya ayang boses ay talaga namang di mapantayan

siya'y aking kasangga sa silid pag kantahan na
laging ensayo kami dun para boses tuluyang mahasa
pag dating ng isang kumpetisyon, di na pahuhuli pa
siya di'y taga "bounce" ng mga walang respeto sa iba
sa larangan ng paltalk - silid naming Barrio Fiesta.

salamat sa inyong pagdalo Christine ....

Image hosted by Photobucket.com

mga nakilalang kaibigan noon at sa kasalukuyan
Cristine at Tobleron ang kanilang mga pangalan
napasok na dito sa barrio fiestang larangan
pagbati ko sa kanila'y akin ding ilalaan.

papugay sa inyong pagdaan mga kaibigan ko
kahit man lang dito sa sitio makita man niyo
pasasalamat sa mga nagdaang taon nakilala kayo
pagkakaibigang nagsimula sa isang maliit na kwarto
silid na huntaan ng mga taong taga ibat ibang ibayo
pagkakaibigan ay atin ding natanto at natamo.

eto'y para sa inyo...

Image hosted by Photobucket.com

....biruin niyo ilang taon din ang nagdaan
hanggang ngayo'y andun pa tayo sa huntaan
di nawawalang mga tawanan at hagikgikan
pag nagkita kita ang mga lumang magkakaibigan.

aking ipaabot sana'y inyong pagmamahalan
tuloy tuloy na yan at walang hangganan
inyong makamtan ang tunay na kaligayahan
kasiyahan na walang halong alinlangan.

walang hangganan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

mula nung ikaw'y aking makilala
puwang sa buhay ay natakpan na
mga panahon na tayo'y nagsama
pagmamahal ay puno ng ligaya.

sa araw araw na nagdadaan
buhay ay naging makahulugan
nadadama'y walang hangganan
ikaw pa rin ang nilalaman
ng aking pusong nagdaramdan.

nanaisin pa kaya na mawala
ang mga naumpisahang ligaya
kahit nawawala na ang pagasa
pagdadalamhati'y isatabi muna

ikaw pa din sinisintang lubusan
pusong ligalig sa kinakarooonan
naninibugho sa mga nalalaman
na ikaw na'y nasa ibang kandungan
kaya buhay ay nawalan ng katuturan
sa iyong mga pinakita at kagagawan.

naisin mang nakaraan ay iwaksi
pagaakala'y ilalagay na sa tabi
na hindi na bubuklatin pang muli
nasa budhi'y di basta maikukubli.

Sunday, April 24, 2005

kainan, sayawan at kantahan sa BARRIO FIESTA

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

halina, halina sa barrio fiesta
ibat ibang pagkain ang nakahanda
nakalatag na lahat sa malaking lamesa
kainang masinsinan wala ng pruweba.

dahan dahan lang kayo sa pagsubo
baka biglang sa kubeta inyong takbo
kaya dapat ihanda lomotil sa bulsa niyo
kasarapan ng pagkain, bubundat kayo sigurado
pag si josie ang nagluto, fiesta sa barrio
lahat ng kakain, paguwi ay kuntentong-kuntento
meron pa siyang pabaon sa mga amiga at amigo.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

isusunod na natin ang sayawan
sasabayan rin yan ng kantahan
kasama na ang inuman at tagayan
pistachio at mani ang pulutan
sige, tagay lang mga kababayan.

C H E E R S S S S S S !!!!!!!!


Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Saturday, April 23, 2005

mga lutong walang kapantay

Image hosted by Photobucket.com

josie ang kanyang pangalan
sa pagluto'y di yan mapantayan
yan kanyang pinagpapalipasan
kusina ang pinag kakaabalahan
sarisaring lutong nagsasarapan
ang ihahatag sa iyong harapan.

Image hosted by Photobucket.com

kare kare, pinapaitan, dinuguan at saka adobo
siopao, ensamada, leche plan, pati na rin egado
pag siya'y nag umpisang magsalang sa kaldero
pakanta kanta pa yan at may kasamang musiko
kaya sumasarap lalo pag ulam ay nasa harap mo
malilimutan pati biyenan pagkakain mo ng todo.

Image hosted by Photobucket.com


wala akong masasabi kay josie na eto
mabait at laging nakangisi pagkausap mo
sa kabaitan niya'y kanya ka pang ipagluluto
ibat ibang klase pagkain pati pancit iyong paborito
yan ang isang katangian ni josie na di hamak po.

kaya tuloy pati ang batang eto'y naging lobo
biruin mo siya'y limang taon lang para na siyang sampo.

Image hosted by Photobucket.com

pag sikat ng araw

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


naaninag na ang isang kapayapaan
pagkatapos ng dilim na dinaanan
gunita na lamang ng mga nakaraan
ang takipsilim na nadaanan sa kapaligiran
di na bubuklatin pa at wala ng katuturan.

buhay nga naman! ang lungkot at saya
eto'y laging magkasama't magkatugma
lumbay, gulo at paglilinlang sa kapwa
kasali na din dito ang mga problema

bumibigat pa ang loob pag walang pera
laman ng pitaka puro mga barya barya...lol
nakakalungkot, butas din pati ang bulsa
yan ang tunay na problema na nakakapanghina.

ating pagmasdan na lang pagsikat ng araw
may taglay at dala-dalang ibat ibang kulay
puti at bughaw ang siyang nangingibabaw
simbolo na makakamtan ang magandang buhay.

sa pagsikat ng araw atin ding matatamo
kahit ano pa man na pakay natin sa mundo
walang hadlang lahat ay makakamtan eto
huwag lang sasamahan ng away at gulo
ng hindi masisira ang iniingatang ulo.
(opps anong ulo kaya yun, he he he )

mga gusot sa buhay nasa atin na ang pagdadala
harapin nating tunay ng makamtan ang biyaya.

Thursday, April 21, 2005

takipsilim ang kapaligiran

isang magandang alaala ang lumipas
mga pagkakataong hinayaang lumampas
naging walang saysay ang mga landas
binaling sa iba, ngayo'y wala ng wagas
dapat sana'y iningatan ng di kumupas.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

bakit kaya ganon ang mga pangyayari
mga nakaraan ay siya nalang isinatabi
nabilog kanyang ulo'y biglang gumawi
puso ng iba'y sinaktan,tuloy naging sawi
ngayon dibdib at puso'y nagdadalamhati.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

di na siguro maibabalik mga pagkakataon
mga araw na dumaan, na sana'y makasaysayan
mga salitang binitawan di naman iningatan
naglaho na lahat ang magandang naumpisahan.

takipsilim na ang nakikita sa kapaligiran
mga salita'y binaon na sa kadiliman
naglaho na rin mga nakaraang lambingan
ibaon na ang pagdaramdam sa lumang karanasan
halukipkip na lang, harapin ang katahimikan
hindi na eto muling babalikan at bubuksan

Wednesday, April 20, 2005

gunita ng kahapon

halina, sa barrio fiesta tayo'y magsaya
ating gunitain ang lungsod na kaayaaya
nilisan nating bayan na siyang naa-alala
kahit saan man tayo mapadpad at mapunta
siya pa rin ating naiisip at nagugunita.

Image hosted by Photobucket.com

etong mga larawan ay sa siyudad ng Baguio
doon pinanganak ang abang lingkod na eto
nag aral hanggang nagsimula ng trabaho
alaala na lamang ngayon ang gawa dito
dahil napadpad na sa lugar na malayo.

Image hosted by Photobucket.com

ang Burnham Park na laging pinapasyalan
eto'y dinadayo lagi ng ating mga kababayan
pag sa Sabado at Linggo'y dun nagkakainan
pagsakay sa bangka, isang masarap na aliwan

Image hosted by Photobucket.com

taong aking nakasalamuha'y gaya nila sa litrato
wala kang masasabi talaga sa paguugali ng mga katutubo
sa pananamit mga lalaki'y bahag lang panakip sa isang ulo
damit ng mga babae nama'y "tapis" ang tawag nila dito
pag umakyat sila sa nagtataasang bundok ng Baguio
nakapaa lamang, walang tsinelas, wala silang reklamo
kanilang nilalakad may daladala pang mabigat sa ulo
ganyan ang mga tribo doon sa pinaggalingan ko.

Image hosted by Photobucket.com

eto'y ang Rice Terraces na siyang dinadayo
bundok ng Ifugao, sa Baguio medyo malayo
palayan sa kabunduka'y gawa ng mga unang tribo
yan palaisipan ngayon ng mga napapasyal dito
pagkagawa nito'y di nila mawari kung papaano
isa sa mga pinagtataka ng mga tao sa buong mundo
sa taas ng bundok kay gandang pagmasdan sa malayo.


Image hosted by Photobucket.com.....Image hosted by Photobucket.com



ang "Jose Burgos Building" tawag dito sa may SLU
apat na taong inakyat ang mataas na gusaling eto
bagkus na tiyaga, pawis, hirap at binuhos ang ulo
makatapos lang ng isang matapat at tunay na kurso
para may magamit sa pagsagupa ng buhay dito sa mundo.

ngiting ikaw ay mapapailing

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

ay naku naman!
nakita na mga larawan
ng kanyang mga pinsan
bigla akong pinadalhan
para madagdag sa larangan.

ellezer, eto na ang iyong litrato
pwedeng pang asim ng sinigang ko
o kaya panghabol mga dagang andito
para kagandahan mo'y di maburo.

ha ha ha ha ha ha
Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

naks ellezer.....gandang ngiti ha!

pag siguro si mildred ay makita niya eto
lagot si auntie ling siya'y magrereklamo
lalo na pag di siya maisasali dito sa grupo
ezel, ibigay mo ang larangan pagtawag sa iyo
dito siya magiwan mensahe para sa amin dito.

Sunday, April 17, 2005

magpipinsan - sarap ang samahan

eto na ang inyong mga larawan
inyo ng pagmasdan at titigan
huwag niyo na akong irapan
di ko naman kayo nakakalimutan.

dalaginding na nakasalamin
siya ang aking bituin malambing
katabi niya'y labas mga ngipin
yan naman ay si sarah jhane

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


nagkasa kasama ang mga magpipinsan
nung nagkikita sila sa ating bayan
pinagtiklob, mukha'y nagkakatuwaan
gawa'y kwentuhan at hagalpakan
kurutan habang naglalamunan.

Image hosted by Photobucket.com


raey ann - kinakatakutan ng bayan
pag umirap talaga namang nakakailang
pati boksingero susugurin niya yan
walang pakime siya na'y nakikipagbakbakan

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


si henri boy ay isang masunuring bata
walang kibo kahit kurutin mo pa
kaya huwag mo na lang galawin siya
eto'y parang matanda kung umasta
siya yatang nagmana sa lolo niya.


Image hosted by Photobucket.com


evita ang dalaginding mayumi
palagi na lang siya'y nakangiti
kahit may problema di nagsasabi
pag nagmaktol andun na sa tabi

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


diogenes-dondon, hay naku pacute lang eto
pero siya naman ay mabait kahit papaano
wala kang makikitang kalokohan nito
kaya mga girls sa kanya ay saludo.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


eric the boy sa umaga hanap ng kanin lagi
pag ginutom sasabihin pang "am dying daddy"
kung sa kusina'y hindi siya nagpapahuli
he he he he ....... ano ba yan, eric !

Image hosted by Photobucket.com
nikki at jane rose

naaninag mga ngiti sa kanilang mga labi
pag pinagmasdang mabuti kanilang mga uri
nakaukit magandang kalooban sa kanilang budhi
nagni ningning na kasiyahan mata'y mga saksi.


kung sa gel ay talaga namang nag aaburido
ayaw lumabas ng bahay pag walang gel sa ulo
kahit anong lakas ng hangin o kaya bagyo
siguradong buhok ni pods ay di magugulo he he he

hay naku! mga kabataan nga naman

Saturday, April 16, 2005

sa iyo ang huling halakhak ...

eto'y handog ko sa iyo kaibigan
hindi ko na banggitin iyong pangalan
alam mo na eto'y para sa iyo lamang.

tama ka masakit ang mga pangyayari
puso'y nasobrahan ng pagdadalamhati
pero sa huli eto'y tunay mong masasabi
na ikaw'y pinagpala at talagang nagwagi
ngayon siguradong taas noo kang nakangiti.

ang mga pangyayari nga naman
dumadating ang mga kasagutan
sa panahon na di mo inaasahan
kaya ngayon ika'y aking sasamahan
malakas at matutunog na halakhakan
walang hihigit pa eto'y talagang piyestahan

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

dumaan na yung panahon na ika'y nasaktan
pagmamahal ng taong hindi pala mapagkatiwalaan
puso mo'y sinugatan at kanyang pinaglaruaan
yun pala ay nagbigay sa iyo magandang daan
para di ka masyadong mahulog sa sobrang karimlan.

baka naman diyan ka pa mahulog sa iyong upuan
at biglang kabagin sasakit pa ang iyong tiyan
sa sobrang pagtawa sa mga nakitang larawan
dahan dahan lang kaibigan kong nakapanayam.

salamat nga pala sa iyong pagdaan
pagbati sa iyo aking iiwanan
magandang araw at ingat lagi diyan
ika'y magumpisa ng humanap ng mapupusuan
huwag ng lingunin yung isang nakaraan.

mga nagdaang panahon

para sa tapat kong kaibigan

salamat sa iyong pagpasok dito
pinaunlakan mo paanyaya ko sa iyo
nawa'y lagi mong silipin ang sitio
para malibang ka sa pagbasa ng mga tula ko.

isa kang mabait na kaibigan
na nakilala ko sa silid huntaan
sa tagal na ng ating samahan
nakita ko ang iyong katapatan

iyong mga pinakita'y nagbigay ng diwa
hanggang ngayon akin pa ring maalala
ginintuang puso na yung daladala
di ko yun basta makakalimutan pa.

hindi man tayo nagkita sa king paglalakbay
sa dami ng mga pangyayaring di maiwasang tunay
paumanhin ko dahil sa mga pangyayari ika'y nalumbay
akin pa ring ipaabot, alaala mo'y siya pa ring taglay

Image hosted by Photobucket.com

maalala mo pa ba ating usapan?
madaming panahon na ang nagdaan
siya pa rin laman ng ating isipan
hindi na yun basta tinatabi lamang.

nagkakausap pag may siklab na problema
may natatakbuhan kung isipa'y aburido na
pagkakaibigan nating eto'y habang buhay na.

Friday, April 15, 2005

ating buhayin mga salawikain

Image hosted by Photobucket.com

ang kahoy hanggang malambot
ay madaling mahuhubog
kung malaki na at tumayog
mahirap na ang paghutok

* * * * * * * * * * * * *

mayaman man ang marikit
maganda ang pananamit
pag wala namang tagong bait
walang halagang gahanip

* * * * * * * * * * * * *

ang dungis ng iba bago mo batiin
ang dungis mo muna ang iyong pahirin

* * * * * * * * * * * * *

ano mang tibay ng piling abaka
ay wala ring lakas kapag nagiisa

* * * * * * * * * * * * *

kung ang isalubong sa iyong pagdating
masayang mukha't nakalabas mga ngipin
siguradong sa iyo may hihilingin

* * * * * * * * * * * * *

Thursday, April 14, 2005

papugay sa iyo binibining damo

para sa iyo kaibigan damo.....

ngayon ko napasyalan ang larangan
laking tuwa nung aking mabuksan
pagkagawa ay napakaganda naman
pati mga nilagay mong mga larawan
nakakatuwa talaga habang tinitignan

ako'y nabighani nung mabuksan ang pahina
sa iyong ginawa na totoo namang napakaganda
sa pagkalito ang pahina ko ay nasira
nagsayawan mga larawan pati na mga letra
di mawari kung saan hahanapin sila
........ sa taas kaya o sa baba ? lolz

maraming salamat sa iyong mga tulong
kundi sa iyo at sa iyong tinatagong dunong
ang barrio-fiesta ay nagpagulong gulong
swerte talaga at may kaibigang napaka
runong
.

Tuesday, April 12, 2005

paanyaya sa mga hilaw na makata.....

halina mga kaibigan kong makata
magpalipas oras pag walang magawa
idaan sa pagsulat dito sa nasabing paksa
maibalik ang mga masasayang gunita.

sa pamamagitan ng pagsulat sa wika
di nakakalimutan wikang pambansa
kaya kahit man lang dito sa sitio magsimula
atin pa ring tangkilikin salitang kaaya aya.

eto'y di basta basta kinakalimutan
bagamat eto'y ating kinagisnan
kahit napakadami ng impluensiyang nadaanan
pagbigkas ng wika'y di basta iniiwanan.

mabuhay ang mga pinoy!!!

Saturday, April 09, 2005

ibat - ibang sayaw sa ating bayan....

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

eto naman mga ibat ibang sayaw sa ating bayan
sa sayaw natin naipapakita ang mga kaugalian
kultura ng bawat isa sa kantahan at sayawan
pagkakaiba ay naaninag sa mga kabababayan.

eto'y tawag nila'y tinikling
sayaw sa kawayan kung tawagin
paa ng magpareha ay siyang iipitin
sayaw sa kawayan mga paa'y pipitpitin. (lols

Image hosted by Photobucket.com

mga nag gagandahang mga dalaga dito
pinapakitang sayaw sa baguio at mga bundok nito
nakapatong mga "banga" sa ulo at tingala mga noo
mukha'y di mawari kung sila'y nakangiti sa iyo.

Image hosted by Photobucket.com

eto naman ay sayaw ng mga maria clara
may pagkahawig sa mga pananamit sa espanya
dahil ang pilipinas noon ay impluensiya nila
mga sayaw at paguugali nahaluan ng mga kastila.

Image hosted by Photobucket.com

sa bandang mindanao eto naman ang sayaw nila
kakaibang anyo talaga ang ating makikita
mga sayaw nila'y may kasamang seremonya
naglalantikan mga kamay ng mga binata't dalaga.

alay ko sa iyo......

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa bawat sandali..
pag ikaw'y nasa isip ko
sinasa tula damdamin ko dito
para sa iyo eto mahal kong ginoo.

huwag alalahanin ang sakit ng damdamin
lagi akong andito yan iyong isipin
pag siklab ng kalungkutan na damdam mo
isipin mong kadamay mo lagi ako.

alam ko na ikaw ay matamlay
kaya tula ko'y sa iyo ialay
para maramdaman mo na tunay
iyong iwaksi sa isip ang tamlay
kalooba'y gagaan at mawala ang lumbay.