Ating Balikan Ang Nakaraan

Taon , buwan at mga araw ang nakaraan
Isinitabi isang samahan na makasaysayan
Ating kinaligtaan ang magandang naumpisahan
Basta na lang naglaho na di natin nalalaman.
Ating nilisan lugar na kung saan sinimulan
Naglakbay kung saan saan, maraming nadaanan
Minsan inisip kong balikan yung pinanggalingan
Naaninag ang isang anyo ng tunay na pagkakaibigan.

Sadya yatang dapat na muling ayusin ang iniwan
Ng di na muli sanang babagabag pa sa ating isipan
Nung una'y nanatili pa din ang tunay na katahimikan
Pero umapaw ang damdaming di inaasahan at maintindihan.
Ang nakaraan ay muli pa kaya nating balikan
O kaya nararapat ng iwasan at tuluyang tatalikdan?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home