<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: May 2005

Monday, May 30, 2005

muling buhayin ang nakaraan, makatang lonegun

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Makatang Lonegun, medyo natagalan ang iyong paglisan
Halina, halina, muli nating tutunghayan at bubuksan
Pagiging makata mong tunay di yan dapat pinapabayaan
Pasukan mo na muli ang pagsulat ng tunay na balagtasan
Ating isagawa ang susunod na kabanata ng librong naumpisahan.

Sa aking pagiisa, binuksan ko ang pribadong larangan
At ipinapagpatuloy ang pagsusulat ng pangmakata lamang
Gusto ko man na yun ay hintuan, nanaig sa aking isipan
Na dapat ituloy ang pagsusulat ng mga tulang makasaysayan.

Muli kong binalikan ang pagsulat sa wikang nakagisnan
Hindi basta yun sinasatabi lang dahil sa kanilang kalokohan
Pinagpatuloy ang "Ating Balikan" sana'y iyo ding "Tanghalan"
Para manaig pa din ang wika ng ating inang bayan na iniwanan.

Kaibigan Lone, eto'y papugay ko sa iyo sa iyong pagparito
Pag nagka-oras ka, iyo ng umpisahan ang sarili mong sitio
Sa dami mong kaalaman sa pagsulat, balagtasang tunay at totoo
Iyong ipagpatuloy, harinawa tayo'y makabuo muli ng ilang libro.

Sa pamagat ng aking sitio siguro naman iyo ng nakita
Na eto'y "karugtong ng kahapon" na una nating isinagawa
Muli tayong bubuo ng kadagdagang libro na pang makata
Para sa ating pagtanda, mga kabataa'y meron silang mababasa.

Halina, halina kaibigang Makata, atin muling isagawa
Pangatlo, pang apat o kaya panglimang libro pa kaya
Huwag mag atubili, pag nagka oras ka na muli makata
Gawing libangan para ipamulat sa iba ang wikang pambansa.

Ang Tunay Na Nteng, The Dragon

Sa pangalan lang, ika'y talagang kinakatakutan
Dragon na pangalan, pag bugso ng hininga diyan
Katakot takot na apoy ang naglalabasan
Pero pag malaman nila ang katotohanan
Pagsinag sa anyo ng nakabandilang larawan
Na-aaninag sa mukha mo ang tunay na kabaitan.
(lolzz, pamasko ko diyan ninong, mano po...)

Kinagagalak ko ang iyong pagpasok dito
Munting larangan na tinaguriang barrio
Aking pinapaabot at pasasalamat sa iyo
Iniwan mong mensahe dito kamakailan po
"Tanging Ikaw" na tula sa may komentaryo
Isa ka palang makata yan ay aking natanto.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sa ating pagkakakilala sa isang larangan
Paltalk kung tawagin dun nabuo ang samahan
Ng mga kapwa nating pango na mga kababayan
Nagsimula doon ang magandang pakikipanayam
Pakikisama ng bawat isa ay tunay sa magkakaibigan
Hanggang ngayon ay atin pa ring tinutunghayan.

Kabaitan at kasiyahan sa mukha, sa iyo aking nakita
Sa pagimbita na magkita-kita ang ating mga pamilya
Nung kami'y nasa biyahe at napadaan diyan sa Amerika
Nasilayan ang tunay na pagkatao mo sa iyong ipinakita
Pero kinapos kami ng oras,di nakarating sa iyong pagimbita
Salamat sa pagunawa, paumanhin sa iyo at sa iyong kasangga.

Ganun pa man, tuloy tuloy pa din ang ating barkadahan
Nabuong tunay, na kahit sa internet lamang naumpisahan
Sa sitio ng mga pinoy at pinay na siyang ating tagpuan
Palipasan ng oras sa kantahan, kwentuhan at pati tawanan
Masayang nagkakasama buong barkada sa Paltalk na larangan.

Mapayapang Araw sa iyo at sa iyong pamilya diyan, Kuya Enteng.(lol)

Sunday, May 15, 2005

Kuya Ped, ATe Mercy, Mark at Evits

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Mabuti naman at inyo etong napasyalan
Kami'y bumabati sa inyong lahat diyan
Sana'y kayo ay nasa mabuting kalagayan
Dito sa amin, maayos at mapayapa naman
Eto'y papugay ko sa inyo na walang hanggan.

Maalala ko diyan nung tayo'y nagsalo salo
Kahit paminsan minsan lang nagaganap eto
Walang katapusang kasiyahan sa mga kwento
Ating tinataguyod mga alaala ng lola't lolo.

Piyestahan, kainan, inuman, sayawan at kantiyawan
Yan ang di mapantayang samahan ng mga magpipinsan
Ang bawat isa sa atin ay talaga namang nasisiyahan
..........Magandang Araw sa inyong lahat diyan.

Image hosted by Photobucket.com.....Image hosted by Photobucket.com

Thursday, May 12, 2005

wala sa lahi ang pakikisama

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa larawan na eto'y aking nakasama
sila'y mga galing sa bansa ng Africa
Burundi, Sudan at ang iba'y sa Mongolia
Agfhanistan, Iraq, Burma at Yugoslavia
pag kuha ng larawan sila lahat ay nakatawa
kanilang mga mukha naaninang lubos na tuwa.

Image hosted by Photobucket.com

kaligayahan na sila'y pagsilbihan
mga kapos palad na mga nilalang
kung saan-saan bansa sila dumaan
hirap at gutom, sakit at kapansanan
kanilang dinanas sa ibat-ibang bayan.

ibang lahi at kultura kanilang daladala
hindi pa naman marunong sa wikang banyaga
buhay sa ibang bansa kanilang sinasagupa
kahirapan, kalungkutan nakikita sa mukha.

ang isa naman ay mamang australiano
nageensayo para siya'y makapagturo
pakay niya'y magsilbi mga ganitong tao
isinatabi kanyang computer na trabaho.

Saturday, May 07, 2005

para sa yumaong ina

Image hosted by Photobucket.com

kadakilaan ng isang ina
ay siyang ating naaalala
paghihirap na dinanas nila
sa mundo'y kanilang ipinakita
araw ng mga nanay ipagdiriwang na.

eto'y alay ko sa aming inang yumao
mapayapang nilisan ibabaw ng mundo
ngayon araw na eto sa kanya ialay eto
bulaklak at kandila pati na din tula ko.

Image hosted by Photobucket.com

ang aming ina na siyang isang dakila
anim na taon dumaan siya pa ding naaalala
ang inang nagbigay ng buhay kanyang isinagawa
sakripisyo sa lahat ng bagay di makakalimutan pa.

para sa aming yumaong ina alay namin eto sa iyo
pagpatnubay niyo noon sa amin ay hindi biro biro
ipinakitang pagmamahal sa lahat, pati rin sa mga apo
walang kapantay,walang hihigit pa sa pagmamahal niyo.

saan man kayo naroon, sana kayo'y masaya at mapayapa
wala man kayo sa aming piling, amin pa ring dala dala
pagmamahal na inyong pinakita ay isang napakadakila
sa inang tulad niyo na nagbigay sa amin ng pagasa
pagmamahalan, inyong iminulat sa aming mga mata.

ang paro-parong eto amin pa ding maalala
kayo'y nabalik nung yumao din ang aming ama
ilang linggo lang nakaraan inyo agad siyang kinuha
araw na yun ang paro paro'y nakabantay na sa kanya
nakadapo at umaaligid lagi sa kabaong ng yumaong ama.


MALIGAYANG ARAW PARA SA INYO

Monday, May 02, 2005

lilim at preskong hangin

Image hosted by Photobucket.com

aking maalala ang isang punong mangga
kung bumunga'y ang dami at gahol gahol pa
ang daming nakikinabang sa kanyang bunga
mga bata, matanda, kapitbahay ay natutuwa
punong mangga sa harap ng bahay ay wala na.

kung sa lilim na binibigay di maikumpara
preskong hangin sa paligid ay iyong nadarama
punong mangga ngayon akin lamang na aalala
malaking paghihinayang na puno ay nasibak na.

Image hosted by Photobucket.com

pagdadalamhati ay hindi dahil sa bigay na bunga
kundi alaala ng yumaong lolo nung siya'y buhay pa
yun ang nagbibigay ng tanda na siya'y isang dakila
sa buong bayan tinagurian siyang isang halimbawa
sa ilalim ng puno na lagi dun siya nakikita
wala na ang kanyang mga alaala eto'y nasira na.

bakit kaya? anong kwento ba talaga?
ang punong mangga na siyang alaala
yun ay aming malaking pinagtataka
bakit kaya yun ay biglang nawala?

magandang araw bayan!

Image hosted by Photobucket.com

ngayon isa na namang araw na mapayapa
kaya andito, abang lingkod nagpapahinga
pagsulat ay akin na namang isinasagawa
para magpalipas ng oras sa sitiong ginawa.

larangang naumpisahan ay siyang libangan
nakagawiang pagsulat dito lagi nilalaan
ng hindi palaboy laboy kung saang larangan
mabuti na yung meron laging napapasukan
pisarang masasabi, pagsulat ay walang hadlang.

larangan ay para sa mga piling kaibigan at pamilya
para na din sa madla kung pakay ay makikibasa
barrio fiesta ay hindi hahayaang babuyin ng iba
eto'y walang pakialam sa mga taong walang magawa
sumulat ng kahit ano pa ay sariling kong pasiya
dito nailalabas lahat ang mga nais na isagawa.

magandang araw bayan!

magandang araw kaibigan

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


naku po! ako'y nahingi ng despensa
ngayon lang nagkaroon ng oras sa pisara
oras kung minsan ay kinakapos talaga
mensahe para iyo ay tinugon ko na.

maraming salamat nga pala sa iyong larawan
di ko na babanggitin ang iyong pangalan
hayaan na lang natin na sila'y maghulaan
ating tignan kung mga kaibigan ika'y mamumukhaan
kaya pagbanggit ng pangalan ay di na kailangan.

nakakengganyong tignan iyong mga ngiti
mukhang meron ka yatang nakuhang swerte
huwag naman sanang ikubli at isatabi
swerte'y dapat lang na iyong ibahagi
aming tatanggapin na walang atubli...lol

hindi pa gaano tayo'y magkakilala
pero magaan tingin ko sa iyong mukha
hindi ka mapagmataas sa iyong kapwa
laging bumabati sa iba pag nakikita
sa mga kaibigan laging nakikisalamuha.

kung minsan ako'y nagaalangan
na kumausap ng iba sa silid na yan
di natin kasi alam ang mga katangian
ibang kasalamuha'y pakay nila'y kalokohan
kaya yun ang dapat lagi nating iingatan.

salamat sa iyong pagpatnubay dito sa barrio
kinagagalak ko at ikaw ay napapasyal dito
eto'y naumpisahan lang kamakailan bagong sitio
libangan lang ang pakay kung pagod sa trabaho.

papugay sa iyong pagparito!