<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: Kuya Ped, ATe Mercy, Mark at Evits

Sunday, May 15, 2005

Kuya Ped, ATe Mercy, Mark at Evits

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Mabuti naman at inyo etong napasyalan
Kami'y bumabati sa inyong lahat diyan
Sana'y kayo ay nasa mabuting kalagayan
Dito sa amin, maayos at mapayapa naman
Eto'y papugay ko sa inyo na walang hanggan.

Maalala ko diyan nung tayo'y nagsalo salo
Kahit paminsan minsan lang nagaganap eto
Walang katapusang kasiyahan sa mga kwento
Ating tinataguyod mga alaala ng lola't lolo.

Piyestahan, kainan, inuman, sayawan at kantiyawan
Yan ang di mapantayang samahan ng mga magpipinsan
Ang bawat isa sa atin ay talaga namang nasisiyahan
..........Magandang Araw sa inyong lahat diyan.

Image hosted by Photobucket.com.....Image hosted by Photobucket.com

4 Comments:

At 6:50 PM, Anonymous Anonymous said...

TANGING IKAW

Tanging ikaw lamang ang laman ng isipan
Matamis na alaala dulot ay kasiyahan
Sa bawat sandali ng buhay kong aba
Ligayang walang katulad taglay sa tuwina

Tanging ikaw lamang ang nasa puso ko hirang
Nagbibigay sigla sa buhay kong tigang
Sa bawat pintig nito’y binubunga ay galak
Nagkukulay ang paligid ng buhay kong payak

Tanging ikaw lamang sa buhay ko ay minimithi
Langit ang katulad sa nagdaraang sandali
Kasiyahang angkin ay halos walang kapalit
Pangarap ko'y wag maputol kahit isang saglit

 
At 7:06 PM, Blogger Angie said...

para sa iyo enteng,

Tulang iyong iniwan aking kaibigan,
malaking pasasalamat at iyong pinaunlakan, pagbisita sa barrio fiestang aking larangan, labis kong kinagagalak na eto'y iyong pinasyalan.

"Tanging ikaw" na puno ng damdamin
Nakakaaliw pag iyong basahin at bigkasin,
Taglay ang isang katangian ng isang tinatawag na Enteng, kung sa kagalingan sa pag awit wala ng kahambing.

Mapayapang araw sa iyo diyan.

 
At 1:19 AM, Anonymous Anonymous said...

lolz angie aka dazzzing.

bilis ng sagot
nice site

Nteng

 
At 7:46 AM, Anonymous Anonymous said...

Dear Angie,
Helo ulit , naku ang dami kong kwento, galing kaming La Union, naka attend kami ng pabinyag ni Rene, nandon din sila Bert at ang pamilya nya, si Leo at may isa pa na nagluto, ang daming handa ni Rene, na meet din namin yung Vice Mayor na naging compadre ni Rene, nandon din si Federico at na meet din namin yung family Caluza,mga kamag anak nyo sa Santa Cecilla, abogado yung tatay tapos me isang anak na babae na abogada rin.
Pero ang pinaka maganda yung panghuhuli ng bangus, nakakatuwa at sariwang sariwa, bale 2 days kami at bago kami umuwi dumaan kami sa Sto Rosario, dumalaw kami kina Tina, dinalaw din namin yung kamaganak ni manong mo sa Runas, at bumalik kami kina Rene para kunin yung bangus na iuuwi namin.

As I was saying, nandito nga si Leo, siguro mga ilang araw pa sya dito, buti at nang makapamasyal naman kahit papano, kinukumusta nya kayo ni Giesel , sana daw ay nandito kayo para masaya, nabasa namin ni Leo ang mga talata, tula ba ang mga ito? ang gaganda ng salitang ginamit, ikaw ba ang me concept ng tula? talagang maka pilipino ang bawat salita.

Ate Mercy

 

Post a Comment

<< Home