<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.fortunecity.com/roswell/wells/6/midis/jingle.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Karugtong Ng Kahapon Sa BARRIO FIESTA....: Ang Tunay Na Nteng, The Dragon

Monday, May 30, 2005

Ang Tunay Na Nteng, The Dragon

Sa pangalan lang, ika'y talagang kinakatakutan
Dragon na pangalan, pag bugso ng hininga diyan
Katakot takot na apoy ang naglalabasan
Pero pag malaman nila ang katotohanan
Pagsinag sa anyo ng nakabandilang larawan
Na-aaninag sa mukha mo ang tunay na kabaitan.
(lolzz, pamasko ko diyan ninong, mano po...)

Kinagagalak ko ang iyong pagpasok dito
Munting larangan na tinaguriang barrio
Aking pinapaabot at pasasalamat sa iyo
Iniwan mong mensahe dito kamakailan po
"Tanging Ikaw" na tula sa may komentaryo
Isa ka palang makata yan ay aking natanto.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Sa ating pagkakakilala sa isang larangan
Paltalk kung tawagin dun nabuo ang samahan
Ng mga kapwa nating pango na mga kababayan
Nagsimula doon ang magandang pakikipanayam
Pakikisama ng bawat isa ay tunay sa magkakaibigan
Hanggang ngayon ay atin pa ring tinutunghayan.

Kabaitan at kasiyahan sa mukha, sa iyo aking nakita
Sa pagimbita na magkita-kita ang ating mga pamilya
Nung kami'y nasa biyahe at napadaan diyan sa Amerika
Nasilayan ang tunay na pagkatao mo sa iyong ipinakita
Pero kinapos kami ng oras,di nakarating sa iyong pagimbita
Salamat sa pagunawa, paumanhin sa iyo at sa iyong kasangga.

Ganun pa man, tuloy tuloy pa din ang ating barkadahan
Nabuong tunay, na kahit sa internet lamang naumpisahan
Sa sitio ng mga pinoy at pinay na siyang ating tagpuan
Palipasan ng oras sa kantahan, kwentuhan at pati tawanan
Masayang nagkakasama buong barkada sa Paltalk na larangan.

Mapayapang Araw sa iyo at sa iyong pamilya diyan, Kuya Enteng.(lol)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home